Pricillia POV:
Nakahiga ako sa kama na umiiyak dahil sa hindi ko makalimutang pangyayari. Hindi naman ako ganito pero bakit ngayon feeling ko talunan ako. Dumating lang siya sa buhay ko oo inaamin ko masaya ako. Pag kasama ko siya kahit sinusungitan ko sa loob loob ko kinikilig pa rin ako. Pero ngayon makita ko lang na masaya siya sa iba inaamin ko nagseselos ako. Naiingit pa rin ako. Naiiyak ako, naninikip dibdib ko dahil nasasaktan ako. Gusto ko nang bumalik sa dating ako yung masayahin kahit pa kanino. Maton man sa paningin ng mga lalaki, babae pa naman ako. Yung tipong hindi naloloko at nagpapaloko kahit kanino. Matulungin man ako sa kapwa estudyante ko, mailap naman ako at hindi nakikipag-usap sa mga lalaki kapag hindi kelangan at seryoso. Inaamin ko maganda naman ako pero pano ba yan hindi niya mahal ako, sadyang umasa lang talaga ako. Napaniwala ako. Sa sobrang feelingera ko heto nawasak ako. Pero kawawa ako kasi nasasaktan ako. Hindi ko pa rin maatim yung mga sinabi niya mismo sa harapan ko. Medyo sariwa pa kasi sa utak ko kung kaya't napapaluha nanaman ako.
"Hindi mo ako matitinag sa drama mong sinungaling ka!.", saad ko habang hawak ang buhok nito ng mahigpit. Naiinis at nanggigigil kasi ako porket papalapit sa amin si Robert kunyari iiyak iyak. Pano ba naman kasi ang galing umarte. Siguro kong may awards lang dito pasok tong impaktang to. Best actress! Pang FAMAS ang dating.
"Lia bitaw na.", saad ni Robert ng makalapit sa amin sabay hawak sa kamay ko.
"Robert tulungan mo ako.", umiiyak na saad ng kunyaring babaeng to pero kanina walang pakialam kung sino ang masugatan ng impaktang to.
"Lia ano ba. Bitaw na sabi.", saad ni Robert sa akin.
"Mapagkunyari ka talagang babae ka.", saad ko ng bitawan ko ang buhok nito sabay sipa dito. Natumba ito pero wala akong pakialam. Artista talagang babaeng to.
"Lia ano ba!.", saad ni Robert sa akin kasabay ng pagyugyog nito sa balikat ko. Tumitig ako dito dahil sa nabigla ako. Hindi sa kung anong ginawa nito kundi ay ang galit nito sa mukhang nasisilayan ko.
Binitawan agad ako nito at tinulungan si Bernadette tumayo. Napayakap si Bernadette dito habang umiiyak. First thing that came up on my mind is the word "hurt".
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...