Yil POV:
Pumunta ako sa aming Hacienda. Doon kasi tahimik, sariwa ang hangin, presko ang tubig, pwede kang makapagrelax at walang manggugulo sa akin kung kinakailangan. Pagkapasok ko ay agad akong binati ng mga trabahador. Agad naman akong napangiti dito dahil natutuwa ako sa kanila dahil hindi pa rin sila nagbabago.
"Asan po si Papa?.", nakangiting tanong ko kay Mang Ting. Mukhang nabigla yata ito sa presensiya ko marahil siguro sa ayos ko.
"Naku Maam. Umalis po kani-kanina lang. Mas tsansaksyon daw po kasing aasikasuhin.", magalang na sagot ni Mang Ting sa akin. Si Mang Ting ay ang pinakamatanda sa lahat ng trabahador na nagtatrabaho dito sa hacienda namin. Siya ang kaliwang kanan ng Papa ko everytime na umaalis ito. Bukod kasi sa mabait ito ay mapagkakatiwalaan namin ito.
"Masyado naman hong pormal Mang Ting. Yil na lang po ang itawag niyo sa akin hindi Maam.", ngiti ko dito. Lagi kasi ako nitong tinatawag na Maam o di naman kaya ay Senyorita.
"Pagpasyensiyahan mo na at nakasanayan ko na. Mabuti naman at napadalaw ka dito hija.", ngiti nito sa akin.
"Ok lang po yun Mang Ting. Oo nga po eh... matagal tagal na din po simula nung last kong pagpunta dito. Kayo po kumusta na po kayo?.", saad ko dito.
"Heto mabuti naman ako hija. Malakas pa rin.", saad nito habang tumatawa.
"Mabuti naman po kung ganon Mang Ting. Sobrang namiss ko po talaga itong Hacienda kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumunta dito.", saad ko habang nakangiti.
"Naalala ko noong maliit ka pa lang ay lagi kang naglalaro kahit saan, pupunta sa ilog para maligo pero ngayon malaki ka na at ang laki ng ipinagbago mo hija dalagang dalaga kana. Mukha kang artista lalo na sa kulay ng buhok mo.", saad nitong nakangiti habang pinagmamasdan ako. Napahawak ako sa buhok kong kulay purple habang napapatawa.
"Salamat ho Mang Ting ang bilis ho talaga ng panahon pero darating din po ang araw eh tatanda rin ako.", saad ko dito habang napapatawa.
"Aba! sobrang layo pa naman nun hija kaya ienjoy mo muna sarili mo habang bata ka pa.", saad nito. Tumawa ako dahil doon.
"Aba siyempre naman ho. Sige po Mang Ting punta muna ko sa bahay. Magbibihis muna ho ako. Kayo na po munang bahala dito Mang Ting.", pagpapaalam ko dito.
"Sige Senyorita mag-iingat ka.", magalang na sabi nito. Hay naku si Mang Ting talaga sinabi nang huwag senyorita pero di bale na.
Agad akong umalis at aking ginamit ang aking alaga na si Violet papunta sa aming lumang bahay. Matagal na ding panahon na hindi na ko nakakapunta dahil medyo abala na rin ako sa paaralan. Naalala ko pa nga noong bata pa ko tuwing bakasyon ay palagi siyang nandito kung hindi ay nasa tree house magpapahinga. Madami na din ang pinagbago ng aming hacienda dati ay konti pa lang ang mga puno ngayon madami na din sabayan pa ng mga mababangong bulaklak na nakahelera sa unahan nito. Pagkapunta ko sa bahay ay agad kong itinali si Violet sa puno ng mangga. Agad akong pumasok sa bahay habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Wala paring pinagbago simula noong bata pa ako ay ganon pa rin ang pagkalinis at aliwalas sa loob ng bahay. Bago ako naligo ay nagluto muna ako ng panghapunan. Tinola at tinapa na may toyo't kalamansi ang sawsawan. Pagkatapos kumain ay naligo agad ako. Suot ang fitted-jeans, tank-top na hapit at boots. Dali-dali akong lumabas ng bahay sakay sa alaga kong kabayo upang mamasyal. Habang namamasyal ay naisip kong 'What if nandito siya? Anong gagawin ko?' Napangiti ako ng mapakla sabay ikot ng ulo ko para mawala sa isipan ko ang tinutukoy nito. Inilibot ko ang aking sarili sa hacienda para malibang. Pumitas pa ako ng bulaklak sabay lagay sa kabila kong tenga na para bang si Rosalinda. Mainit na masyado kung kaya't napagdesisyonan kong magpahinga muna sa may dakong ilog. Naantig ako sa ganda ng tubig na para bang diyamante ang kislap sa tulong ni haring araw. May isa na lumulutang sabayan ng sariwang hangin na humahampay sa mga dahon at bulaklak. Dahil sa pagod ay nahiga ako sa ilalim ng puno sabay pikit ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Novela Juvenil- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...