RTA: Lost World

53 4 0
                                    

Alfred POV:

Nagising ako na kumakalam ang tiyan ko. Bumangon agad ako ng makita kong alas dose na ng umaga. Agad akong bumaba ng hagdan papunta sa kusina dahil nagugutom na talaga ako. Hindi kasi ako kumain ng dinner dahil pagbagsak ko sa kama ay agad akong nakatulog. Pagod rin kasi ako dahil sa paparating namin na City Meet. Todo ang praktise namin dahil goal ng coach namin na kami ang manalo. Madilim ang daan habang papunta sa kusina pero hindi ko na binuksan ang ilaw dahil sanay naman na ako. Binuksan ko ang ref at nakita ko ang macaroni salad at cake. Kinuha ko ito at nang isara ko na ang ref ay agad naman akong nabigla dahil sa may lalaking nakatayo malapit sa kinatatayuan ko. Muntik ko nang mahulog ang dala kong cake at macaroni salad buti na lang ay magaling ang reflexes ko.

"You scared me.", sabi ko kay Kuya. Yup! Si Kuya Drei. Andrei de Leon. Mabait, matangkad ito kesa sakin, mahitsura at matalino. Sa pagkakaalam ko ay tinanghal itong president sa school namin kung kaya't sa kanya nakapatong lahat nang kelangang gawin at importanteng documents para sa mga events kapag may darating na okasyon. Bukod sa pagiging seryoso nito pagdating sa mga bagay bagay ay madaming nanghuhumaling rin dito marahil siguro sa katalinuhan at taglay nitong karisma kaya madami ang nanghuhumaling dito. Minsan nga ay nagkukunwari pa ang mga ito na hindi nila alam para lang matulungan at makausap sila ni Kuya. Hanggang sa umabot na naging snob at mailap na ito sa mga babae kung kaya't wala nang lumalapit dito. Hindi ko alam kong bakit pero bilang kapatid ay wala na siguro akong karapatan para alamin ang mga iyon.

Muli ay inilagay ko sa mesa ang pagkain at nagsimula ng kumain.

"Hungry?.", saad ni Kuya ng makita kong kumuha ito ng coke saka isinara ang ref.

"Yup.", tipid kong sagot dito ng magslice ako ng cake.

"Bakit hindi ka sumama sa amin kanina sa dinner?.", tanong nito ng marinig kong binuksan nito ang coke saka tumungga dito.

"Nakatulog kasi agad ako kaya hindi na ako nakasabay Kuya.", saad ko habang panay pa rin ang kain. Tumabi naman ito sa akin habang panay parin ang subo ko ng pagkain.

"Ikaw bakit gising ka pa?.", tanong ko dito dahil hindi naman ito laging nagpupuyat.

"Nag-aaral ako para bukas dahil kasama ako sa quiz bee.", saad ni Kuya na halatang stress din dahil sa pag-aaral. Tumango lang ako dito hanggang sa naubos ko ang macaroni salad at cake naman ang isinunod. Katahimikan ang namayani sa amin ng ilang minuto nang maramdaman kong nakatitig lang ito sa akin.

"Akala ko ba ayaw mo nang sumama sa mga ganyan.", saad ko kay Kuya ng titigan ko ito. Natatandaan ko pa ng sabihin niya kay Mommy at Daddy na ayaw na niyang sumama sa mga paligsahan na ganun. Ipinagtaka ito ng Mommy at Daddy ko kaso hindi na nila pinilit si Kuya.

"It was a long story. Kumusta pala laro niyo?", saad nito sabay tungga ulit sa coke. Wierd.

"Nakakapagod pero ok lang.", walang ganang saad ko. Todo talaga ang ensayo namin pati nga si Jasper ay grabe ang ensayo nito na halos humantong na sa limit nito ay laro pa rin ng laro.

"Do you have a problem? I'm all ears if you wish to tell.", agad na tanong nito na ipinagtaka ko.

"No I don't have.", saad ko ng iligpit ko ang kinainan ko papunta sa lababo.

"Don't lie Bro napagdaanan ko na rin yan.", saad nito na nakatitig lang sa bawat galaw ko. Hindi ako sumagot bagkus ay pumunta ako sa ref at kumuha ng mug beer.

"I'm not trying nor pretending to become an emo or down to earth, okay?.", naiinis ko na ring turan dito. Ayoko na muna kasing pag-usapan ang nangyari sa amin ni Tallia. Malinis ang intensiyon ko pero nasaktan ko pa rin ito. Lumabas ako ng bahay at naupo sa bench malapit sa swimming pool. Napalingon ako ng makita kong umupo rin si Kuya na may dalang mug beer katulad ko. Tahimik pa rin kami habang malalim ang iniisip ko na nakatingin sa malayo. Narinig ko pang tumikhim ito at umayos ng upo.

"It's a girl right?.", he said then I smirk.

"I never had a problem when it comes to girls. You know that.", matigas.kong sabi rito na ikinatawa nito.

"You won't fool me lil bro. I knew for sure right now that you are. And I'm happy that she changed you into a better one.", ngising sabi nito.

"What are you talking about?.", kunot noong sabi ko dito na nakangiti pa rin sa akin.

"Tinamaan kana Bro ayaw mo lang sabihin sakin.", saad nito.

"Oo na tinamaan na ako. Nainlove ako pero nabusted din agad. Pero hindi na ako hihirit pa dahil alam kong karma na ito.", pag-aamin ko dito pero agad naman itong tumawa.

"You're stupid! She feel the same way with you too Bro.", saad ni Kuya na seryoso ang mukha nakatitig sa akin.

"Kung mahal niya ko bakit—", saad ko ngunit pinahinto agad ako nito.

"Makinig ka muna sa akin.", asik nito.

I nodded curtly and made a motion of zipping my lips in response.

"I don't agree with her methods, but trust me Bro, hindi niya intensiyon na saktan ka. Last time I saw her she looked so miserable after the punishments.", Kuya said na ipinagtaka ko.

"How did you know her?.", tanong ko dito na ipinagtataka ko pa rin.

"Miss P are busy on that day and she gave me the task but she wanted to gave them expulsions. Akala ko mga lalaki ang maeexpelled pero nabigla ako kasi mga freshmen ang mga ito. Kinausap ko sila kung ano ba talagang nangyari and they confessed. At first, nagaaway pa ang mga ito so I managed them with my officers to calm them down dahil hindi ko kayang awatin ang mga ito kung magkataon. Luckily, Miss P gave them a last chance and they are under detention and I'll be the one who gave them a slight punishment. To lessen the commotion pinaghiwalay ko sila para walang away sa gagawin. Nakausap ko pa ang mga ito hanggang sa matapos ang task nila.", mahabang kwento ni Kuya habang nakikinig lang ako.

"I don't know that.", sabi ko ng malaman ang katotohanan. Kaya pala nakita ko ang mga ito na naglilinis kasama ang tatlo. 

"Do you love her?.", marahang tanong nito.

"Of course I am. I do love her.", malungkot kong sabi dahil kahit anong gawin ko ay hindi na siguro ako nito mapapatawad.

"Then tell her. For her sake and you.", saad ni Kuya ng tapikin ang balikat ko. I really do love her but everytime she's not with me, I lost my world without to hold.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon