RTA: Confession and Refused IV

57 4 0
                                    

Pricillia POV:

Panay pa rin ang tingin ko sa labas ng bintana habang malalim ang iniisip. Napapangiti ako dahil nakilala ko sila Yil, Tallia, at Lydie dito sa eskwelahang ito. Mas lalo lang lumalim ang samahan namin nang pumunta kami sa Virgin Island dahil sa AET(Academy Educational Tour).  Madami kaming pinagsamahan na kahit kelan ay hinding hindi ko talaga makakalimutan. Mga harutan, tuwaan, kapilyuhan at mga kabalbalan. Pero ngayon hindi ko na alam kung maibabalik ko pa ba ang mga ngiti sa kanilang mga mukha. Ano bang kelangan kong gawin para umiwas sa kanila. Yung hindi nila nakikita kaso ang problema kaklase namin sila. Alam kong hindi iyon makakatulong kung lagi namin silang nakikita. Masakit kasi nabigo at nasaktan sila at kasama na rin ako sa kanila.

Napalingon ako ng may kumalabit sa likuran ko. Tinaasan ko ito ng kilay dahilan para ituro nito ang teacher ko na nasa unahan ko. Inangat ko ang mukha ko para tingnan ko kung ano. Hindi ko alam na si Maam Berdaje na pala ang guro namin. Strikto at laging nagpapaalis ng studyante sa klase kapag lumalaki ang sungay. Kaya naman takot ang ibang srudyante  dito.

"Are you okay Miss Nevañez?.", matalim nitong sabi sa akin. Alam kong isa ito sa strict naming guro pero wala akong pakialam kasi wala talaga akong ganang makinig dito.

"Yes Ma'am.", walang ganang sabi ko. Nakakaantok rin kasi kapag ito na ang magturo sa amin habang panay lang ang rinig mo sa kanya ng ilang oras. Hindi ba't nakakabanas?

"Okay. Please stand Miss. Nevañez.", saad nito ng pumunta na ito sa harapan naming lahat. Agad naman akong tumayo at alam kong nakatingin sila saking lahat.

"Why people abuses water resources.", tanong nito sakin. Sinasabi ko na nga ba tatanungin ako nito. Ganito naman talaga palagi hindi ba? Mga teacher na kapag hindi ka nakikinig ay patatayuin ka at tatanungin ng kung ano ano. At kapag hindi mo alam ang sagot ay papagalitan ka o ang mas masaklap pa ay paaalisin ka talaga sa klase.

"Simply because people show lack discipline through improper garbage and waste disposal.", sagot ko dito.  Nawalan ako ng ganang tumayo kung kaya't umupo agad ako.

"Can you elaborate?.", saad nito sakin.

"I already gave it to you Ma'am in a simple words.", sagot ko dito habang nakaupo. Tila nabigla pa ang iba kong kaklase dahil sa pagkasabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Sinagot ko naman ang tanong niya sa tama hindi ba?. Hindi sa pagiging sarcastic pero yun lang talaga ang sagot ko despite na wala talaga akong gana.

"Quiet! To protect and save the water resources, the government enacted and implemented several laws. Can you give me at least one and explain it?.", saad nito sa akin. Nakatitig lang ito sa akin na tila nanunubok sa kakayahan ko. Tumayo ako ulit habang nakatitig dito.

"As far as I remember. Republic Act 7160 and I don't know what's behind of it.", sagot ko dito habang nirerecall ito. Hindi ako sure pero isa siya sa mga nabasa kong article nung isang araw ng pumunta akong library para maghanap sana ng magandang tanawin kaso iba ang nakita ko. Umupo ako ng masagot ko na ito.

Napakunot ang noo ko ng magsalita nanaman ito ng paborito niyang litanya para sa mga estudyante kapag hindi nito nasasagot ang mga katanungan niya. Palibhasa walang asawa kaya ganyan kapag magsalita pero wala rin akong magagawa dahil sobra kasi ang expectation nito sa mga estudyante. At wala rin siyang magagawa dahil hindi naman lahat ng nag-aaral dito ay genius katulad ko. Limitado lang ang utak ng isang tao kahit sabihin pa nating matalino ito.

Natapos ang klase ay napagpasiyahan kong umupo na muna sa bench habang nagmumuni-muni. Umuwi na kasi sina Yil, Tallia at Lydie dahil may lakad raw sila. Hindi ko alam kung saan dahil parang nagmamadali sila. Alam kong ginagawa lang nila ito para mawala sa panigin nila ang kinamumuhian nila.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon