Nasa swimming pool ang mga studyante para sa kanilang huling pagsubok.
"Ngayong araw na to kayo'y makikipagunahan. Ang kelangan niyo lang ay team work at liksi sa paglalangoy. Kung sino man ang team na mananalo ay bibigyan ko ng ganito.", sabi ni Mr. Chao habang hawak hawak ang kwintas. Mukhang silver ito dahil sa tama ng araw ay kumikinang ito.
Dinidivide ni Mr. Chao ang mga studyante kung sino ang kanilang team.
"Tol, anung nangyari sa mukha mo?.", takang tanong ni Jasper kay Robert.
"Wala to.", walang anong sabi na lang ni Robert dito.
"Kukunin niyo ang flaglets na nakatusok sa tiles mismo sa ilalim ng tubig.", sabi ulit ni Mr. Chao sa mga studyante.
Nagsimula na nga ang mga studyante sa pagdive. Unang nagdive ay sina Kurt, Yil, at Elizabeth. Habang lumalangoy sila sa pool ay unang naluha ito ni Yil pabalik sumunod so Kurt at Elizabeth naman ang huli. Pagkaahon ni Yil ay biglang nagdive si Pricillia kasunod si Britney at Ashly. Napatingin si Althea sa side ni Tallia at pataray dito na para bang may sinasabi sa isip. Nakuha ni Pricillia ang flaglet at agad namang napapito si Mr. Chao. Biglang nagdive si Althea sumunod si Tallia at Lyrenne. Makukuha sana ito ni Tallia kaso tinulak siya ni Althea sabay kuha ng flaglet habang naglalangoy sila. Hanggang sa sunod sunod ang pagdive ng bawat studyante pabalik sa kanilang team. Maya-maya'y natapos na ang activity nila at binigyan ang team nila Jasper, Robert, Alfred, at Albert na pinakamadaming flaglets na nakuha.
"Ngayon tayo'y magpahinga na muna dahil mamaya ay may Camp Adventure tayo sa Tree Paradise. Mga 1 ng hapon ay dapat nandun na kayo para sa ating tent at mga 5 ng hapon babalik tayo ulit dun para sa bonfire. Understood?", mahabang paliwanag ni Mr. Chao sa mga studyante.
"Yes, Mr. Chao.", sagot ng mga studyante.
"Ok. Cge maaari na kayong magpahinga.", sabi ni Mr. Chao na agad namang nagsi-alisan ang mga studyante.
Mrs. Del Valle POV:
Nasa bahay ako kung saan nage-spray ng mga halaman sa garden ng may tumawag sa akin.
"Ma'am may tawag po kayo.", sabi ni Aling Constancia sa akin.
"Ilang beses ko na po bang sinabi sa inyo Aling Constancia na pangalan ko na lang ang sabihin mo wag nang maam.", nakangiting sabi ko pakalingon dito.
"Pasensya na kayo ehh.. sa tinagal tagal ko dito ay nakasanayan ko nang gamitin ang Ma'am sa inyo.", nakangiting sabi ng matanda sa akin.
Haisst pano ba naman kasi si Aling Constancia ay yaya na namin simula nung dalaga pa ang aking Mommy. Kasing edad lang ito ni Mommy nang mamasukan itong yaya sa amin. May sakit kasi ang nanay nito noon kaya napilitan itong magtrabaho habang nag-aaral. Mabaiit ito, magalang, mapagkakatiwalaan kaya simula noon naging kaibigan ito ni Mommy hanggang sa naging matalik na kaibigan sila hanggang ngayon. Hanggang sa nag-asawa na ang mga ito ay naninilbihang yaya pa rin si Aling Constancia sa amin. Heto na kasi ang nag-alaga sa amin simula nung bata pa kami hanggang sa tumanda ay naninilbihan pa din itong katulong namin. Masasabing heto na rin ang pangalawang Nanay namin at siya din ang nag-alaga simula nung bata pa si Ashly. May anak din ito kaso nasa ibang bansa na nagtatrabaho. Bagama't mga professional na mga anak nito ay ayaw pa din nitong umalis dahil napamahal na siya dito sa bahay ng Del Valle. Napatigil ako sa pagmezmerised ng magsalita ito.
"Oh siya sige na anak kausapin muna. Tingin ko asawa mo ang tumawag.", nakangiting sabi nito.
"Sige salamat po.", nakangiting sabi ko sabay kuha ng phone.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...