Lydie POV:
Pumunta kaming canteen at doon napag-isipang kumain. Nag-order na kami ng lagi naming inoorder kanila Ate Lyrenne. Habang kumakain ay narinig namin ang panay halakhak sa bandang likuran namin kung kaya't agad kaming napalingon dito. Sina Ashly, Bernadette, Althea, at Elizabeth lang naman ang dumating sabay upo malapit sa amin.
"Guys ignore them.", saad ni Yil samin na nakatutok lamang sa kanyang kinakain. Alam kong umiiwas siya sa gulo pero kung sumosobra na aba ibang usapan na yan.
"Kapag minamalas nga naman. Hindi na nga gusto ng minamahal nila, tila sumasalungat pa kapaligiran sa kanila.". Pasarinig na sabi ni Elizabeth na kahit hindi ko sila nakikita ay alam ko kung sino nagmamay-ari ng boses nito.
"I heard that our principal saw them and get them to the office.". Saad ng isa sa kanila na sa pagkakaalam ko ay si Althea. Alam kong kami ang pinaguusapan ng mga bruhang to.
"Poor of them. I'm just aware if our Principal get angry with them.". Tawa naman ni Bernadette na dinig ko habang kumakain. Agad kong nakita ang kamay ni Lia na lumukot. Alam kong nagtitimpi lamang ito dahil sa masasakit na sinasabi nila pero buti na lang ay hinawakan ni Yil ang kamay nito.
"Who knows if Miss P. (short for Principal) gave them some expulsions.". Althea said sarcastically.
"Hindi ako naaawa sa kanila. Actually they deserve it. Masyado kasing nagkakalat.", Ashly said na agad napakunot ang noo ko kasabay ang padabog na pagtayo ni Tallia."Wala na bang mas lelevel up sa tsismisan niyo na alam kong kami lang naman ang pinaguusapan niyo?.", Tallia said kung saan napatingin sa amin ang ibang estudyante na malapit sa aming table.
"Oppss nandito pala kayo sorry hindi kasi namin nahalata.", Althea said then they laughed.
"Eh di magsuot kayo ng salamin para naman luminaw mga mata niyo.", saad ni Tallia na may bahid na galit sa mukha nito.
"Nananadya kasi talaga kayo eh noh?.", saad ko dito na kunot noo na rin. Napatingin pa ako sa lahat ng estudyante na tila nakikinig lang sa aming usapan.
"Ano raw? Nag-uusap lang kami kaya pasensiya na kung natamaan kayo.", Elizabeth said and smiled same with her bestfriends.
"Gago lang ang hindi nakahalata habang nagtsitsismisan kayo diyan. At tsaka bakit pa kami matitinag sa inyo eh alam naman namin na kayo ang may kagagawan ng lahat hindi ba?.", taray kong saad dito.
"Be careful on what your saying Lydie. You don't have a proof.", Elizabeth said.
"Obviously because you planned those at the first place. Wala kasi kayong magawa sa sarili niyo kung kaya't lumalala ang sakit niyo sabayan pa ng makikitid niyong mga utak.", saad ko dahil nagagalit na talaga ako.
"Aba! dahan dahan ka lang sa pananalita mo Lydie baka hindi kita tansiyahin.", galit na sabi ni Elizabeth na ngayon ay nakatayo. Tila nagaapoy ang mata nito sa galit.
"Eh di gawin mo ng magkasinubukan tayo!.", giit ko dito. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas pero nararamdaman ko ang init ng buong katawan ko sa galit.
Marami na sa amin ang tumitingin. Halos lahat na ata ng mga estudyante na nasa canteen pati sina ate Lyrenne ay nakatingin na rin sa amin.
"Kayo ang may kagagawan ng lahat kasama ang pagtapon ng mga basura sa garden, pagtapon kay Britney ng galing sa toilet at paglagay ng styro foam peebles with paint sa box namin hindi ba?.", saad ni Tallia sa kanila ngunit hindi ito nagsalita.
"Ano Elizabeth sumagot kayo.", saad ko dito habang lahat ng mga estudyante ay tumitingin lang sa amin na tila ba hinihintay ang sagot nila.
"Tara na guys. Alis na tayo.", saad ni Bernadette sabay kuha ng gamit ngunit nahagip ni Lia ang braso nito ni Ashly.
"Wag mo kaming tinatalikuran at kinakausap ka pa.", giit ni Lia habang nakikipagtitigan kay Bernadette.
"Bitawan mo ako.", gigil na saad ni Bernadette ngunit hindi ito binitawan ni Lia.
"Lia tama na yan.", pina ni Yil na nakahawak sa braso nito.
"Bitawan mo ako.", taray na saad ni Bernadette dito.
"Sagutin mo munang tanong namin.", gigil na turan ni Lia dito ngunit madiin.
"Bitawan mo siya.", asik ni Elizabeth dito sabay hila kay Bernadette paatras.
"Sagot lang naman niyo ang hinihintay namin ba't hindi kayo makasagot? Mahirap bang sabihin kasi totoo na kayo ang ang puno't dulo ng lahat ng kapangahasan niyo?.", saad ni Lia sabay tawa ng mapakla.
Gigil na sumugod si Ashly sa kanya sabay sampal dito. Pati ako ay hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Natauhan na lang ako ng sampalin din siya ni Lia pabalik. Sasampalin din sana ito ni Bernadette kaso nahuli niya ang kamay nito sabay sapak ng malakas kung kaya't natumba ito. Hanggang sa inaawat ko na ang mga ito ngunit ayaw pa rin patigil ng Saugashimada sa ginagawa hanggang sa tinulak na namin ang mga ito. Nawala ang pagawat ko sa kanila ng may humatak ng buhok dahilan para matumba ako.
"You bitch!.", saad ni Elizabeth sa akin sabay sampal sa mukha ko. Panay ang hampas ng kamay nito kung kaya't tinatakpan ko mukha ko.
"Bitawan mo siya!.", sabay hawak sakin nito at pinatayo ako.
"Yil? Thanks Bhest...", pasasalamat ko dito. Kawawa ang mukha ko kung matamaan tapos magkagalos.
Madami na din ang umawat sa amin hanggang sa pinapunta kami sa principal office.
Nakaupo kami hanggang sa magsalita si Ms. P. Galit ito habang pinapakinggan namin. At ang masaklap ay under detention pa kami.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...