RTA: Mad

73 3 0
                                    

Pricillia POV:

"1!2!3!4!5!6!7!8!8!7!6!5!4!3!2!1!", bilang ng coach namin habang pinagmamasdan ang bawat galaw sa sayaw namin. 

"Ok good!.", sigaw nito sa amin habang panay pa din ang sayaw namin.

Sumama ako sa dance club ngayong summer dahil wala naman akong gagawin. Gusto ko lang namang hasain ang sarili ko sa pagsasayaw kesa naman sa magmukmok sa kwarto.

"Stop!.", saad nito ng matigil kami. Napatitig ito sa amin ng umupo ito sa bench.

"Let's have a break. 2 minutes.", sabi nito sabay talikod sa amin. Agad akong pumunta sa varsity bag ko para kunin ang bimpo pati na rin ang tubig dahil nauuhaw na din ako. Tumunga ako dito habang pinupunsan ang sarili kong pawis. Kinuha ko ang phone kung saan madami ang text nila. Napangiti ako ngunit mukhang umiinit ang aking mga mata kung kaya't tumingin ako sa itaas. Pumikit ako ng ilang segundo sabay buga ng hangin.

"Okay! Balik tayo sa practice guys.", sabi nito sabay iwan ko ng gamit sa bag at takbo papunta sa kanila.

Agad nitong pinindot ang stereo ng kung saan sasayawin namin ang music ni Katy Perry na Dark Horse.

Halos 2 oras pa ang lumipas ng nagpaalam na sa aming ang coach. Umupo muna ako sa bench para magpahinga. Kinuha ko ang tuwalya sabay punas sa aking pawisan na mukha at katawan. Inayos ko ang aking damit sabay punta sa unahan at on ng music na Mad by Neyo. Agad akong sumunod sa bawat tempo ng music. Bawat sunod sa tugtog nito ay damang dama ko ang bawat lungkot ng dinadala-dala ko. Ngunit galit ako. Oo nagagalit ako dahil nagpadala ako sa isang bagay na akala ko mamahalin ako pero yun pala nagmali ako. Mga ilang segundo ay agad akong napaluha kung kaya't napatigil ako sa pagsayaw kasabay ang pag-off ng tugtog. Napaupo ako habang tinatakpan ang aking mukha dahil sa mga luhang hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pag-agos. Patuloy pa din ako sa pag-iyak hanggang sa maging sob na lang ito ng may yumakap sakin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Shet! Kasamahan ko sa yata ito sa dance club kaya tinanggal ko ang yakap nito habang nakayuko. Pinunasan ko ang aking luha patalikod papunta sa bench para kunin ang bimpo ko.

"Sorry nadala lang ako sa sayaw ko kanina.", tawa ko dito sabay inom ng tubig. Hindi ako makatingin ng deretcho dito dahil nahihiya akong tumitig dito. Inayos ko agad ang gamit ko sa bag sabay sara nito. Salamat naman at hindi ito sumagot. Mabuti na yun kesa naman sa magsalita ito.

"Kala ko umuwi na kayo. Tara sabay na tayo.", nakangiting sabi ko ng kunin ko ang bag sabay sulyap dito.





















Robert POV:

Pumunta ako sa flower shop upang bumili ng isang dosenang rose. Napangiti ako habang dala-dala itong nakamotor. Naalala ko tuloy nung  time na lulan siya sa likod ko. Ewan ko ba pero nung time na yun talagang masaya ang pakiramdam ko. Napabuga ako ng hangin dahil sa pagaalala kung ano na kayang ginagawa niya. Kumusta na kaya siya? Sana ok lang siya. Miss ko na siya simula nung pagkakamalabuan namin sa isa't isa kaya naisip kong puntahan ito. Nang makapunta ako sa building ay agad kong ipinark ang motor sa parking area. Alam kong nandito siya palagi pumupunta ngayong summer. Pangiti-ngiti ako habang dala-dala ang rosas na dala ko ng makita kong mukhang uuwi na ang mga ito. Umaasa ako na makikita ko siya ngunit wala ito. Pumasok ako sa elevator sabay pindot ng number 4 hanggang sa bumukas ito. Hindi pa ako nakakalabas ng elevator ng makarinig ako agad ng music na nagmula sa kabilang kwarto. Bukas ang glass door kung kaya't tanaw na tanaw kong sumasayaw ito. Maganda nga itong sumayaw bawat sunod nito sa tugtog ay parang napakaflawless. Malambot ang katawan nito habang sumasayaw. Napangiti ako at papasok na sana sa loob ng biglang inoff nito ang tugtog sabay salampak sa sahig. Steady lang ito at mukhang umiiyak. Nagaalala ako para dito ngunit parang natitigagal ako habang nakatitig lang dito. Na para bang gusto kong daluhan ito ngunit ayaw umalis ng bawat paa ko sa kinatatayuan nito. Umiiyak pa din ito hanggang sa hindi ko na marinig ang iyak nito. Napahigpit ang hawak ko sa rose bouquet para dito habang nakatingin lang dito. Kahit hindi ito nagsasalita ay alam kong ako ang dahilan ng pag-iyak nito. Pumunta nga ako dito sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Naaawa na din ako para dito dahil nasasaktan ko na ito ng husto. Agad itong gumalaw at iumalas sa aking yakap. Pasimpleng napatalikod para punasan ang kanyang mga luha sabay punta sa bench.

"Sorry nadala lang ako sa sayaw ko kanina.", fake na tawa nito sabay inom ng tubig ngunit hindi ako sumagot. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito pero pinagmamasdan ko naman ito. Aaminin kong nasaktan ko din ito pero hindi ko intensiyon na saktan ito dahil sa mga maling akala lamang. Gusto kong mag-explain dito nung time na yun kaso hindi man lang ako dito binigyan ng pagkakataon para pakinggan niya muna ako. Masakit din sa part ko na hindi nito pinakinggan gusto kong sabihin kahit katiting na eksplenasyon lamang. Naiintindihan ko naman kung bakit ito nagagalit at siguro deserve ko naman ito dahil sa nagawa ko.

"Kala ko umuwi na kayo. Tara sabay na tayo.", nakangiting sabi ng kunin niya ang bag sabay sulyap sakin. Ngumiti ako dito ngunit nawala ang ngiti nito ng mapagtantong ako ang nakita niya.

"Anong ginagawa mo dito?!.", saad nito ng makaharap na sa akin. Puno ng galit ang mukha nito na para bang nanlilisik ang mga mata.

"Para sayo.", pag-iiba ko ng usapan sabay bigay ko ng rosas na nakabungkos sa kanya. Peace offering ko ito sa kanya ngunit tiningnan lang niya ito sabay taray sakin.

"Sagutin mo ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito?.", madiing saad nito sa akin. Nakakunot ang noo nito kung kaya't napabuga ako ng hininga.

"Pumunta ako dito para pagusapan ang problema natin Lia.", panimulang saad ko dito na agad namang napangiti ito ng mapakla.

"Ano pa bang dapat nating pag-usapan Robert? Diba tapos na?.", galit nitong sabi.

"Hindi matatapos ang usapan natin Lia hangga't hindi tayo nag-uusap ng maayos.", malumanay na sabi ko dito.

"Ano pa bang gusto mong maayos na usapan ha Robert?!.", singhal nito sakin. Galit ito ng salubungin ko mga mata nito ngunit ito rin ang nagbaba ng paningin.

"Ba't kasi pakinggan mo muna ako Lia?.", sabi ko dito. Inaamin kong nahihirapan akong makitungo dito dahil sa attitide nito pero gagawin ko lahat mapatawad lang ako nito.

"At ano nanaman ang papakinggan ko? Puno ng kasinungalingan?.", sarkastikong saad nito.

"Lia please...", pakikiusap ko dito.

"No Robert tapos na ang usapan natin.", matigas nitong sabi sabay alis.

"Lia!!.", tawag ko dito Napatigil ito sa paglakad sabay lingon at punta sa akin. May kung anong sayang naramdaman ang puso ko dahil nilingon pa rin ako nito. Agad nitong kinuha ang rosas na gusto kong ibigay  ngunit agad naman niya itong ginulantang sabay hulog sa sahig habang tinatapak tapakan. Agad ko naman itong pinigilan sa ginagawa nito ngunit ayaw nitong magpaawat.

"Bitawan mo ko!.", sumbat nito sa akin na may luha at halong galit sa mga mata.

"Lia ano bang mangyayari sayo? Tinangnan mo kung anong ginawa mo sa mga kamay mo. They're bleeding.", nagaalalang sabi ko dito dahil hindi naman ito ganito dati pa. Tiningnan ko ang kamay nitong dumudugo dahil sa tinik ng rosas. Hindi naman kasi ito kasing kinis ng papel para punitin niya sadyang matigas nga lang talaga ang ulo ng babaeng to.

"Nangyari? Ba't hindi mo tanungin sa sarili mo? Bleeding? Kulang pa nga to sa mga sakit na binigay mo sakin. Asshole!.", sumbat nito sakin sabay alis. Asshole... Agad kong nahilamos ang mukha ko dahil sa kabiguan habang nakatanaw dito.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon