Pricillia POV:
Nakita ko si Nanay na naglalagay ng plato, kutsara at tinidor sa mesa.
"Nay pupunta po pala dito mga bestfriend ko at dito din po sila matutulog.", paalam ko dito.
"Ganun ba anak? Ok cge punta mo na akong kusina.", paalam nito sakin. Siguro magluluto nanaman ng espesyal niyang adobo para sa amin.
"Thanks Nay.", sabay halik ko dito.
Pumunta akong sofa habang tinatanaw sila sa bintana pero wala pa rin sila. Nagtext na rin ako sa kanila kung saan na sila ngunit wala pa ring reply. Lumabas ako ng bahay at doon umupo sa bench para abangan sila.
Gusto ko silang makakwentuhan, makausap dahil hindi ako mapanatag para sa kanila at bilang best friend gusto ko ring malaman ang side nila dahil parang ang daming nangyari sa kanila na wala akong kaalam-alam. Habang nagiisip-isip ay narinig kong may tumigil na sasakyan sa gate namin at napagtantong sila na nga ito. Agad kong binuksan ang gate sabay yakap sa kanila.
"Bhest.", nakangiting sabi ni Tallia ng yakapin ako.
"Teka saan si Yil? Bakit hindi niyo kasama?.", tanong ko dito ng yakapin ko din si Lydie.
"Papunta na daw siya sabi sakin kanina.", saad nito na ikinatango ko.
"Ganun ba? Bakit hindi na lang siya sumama sa inyo baka mamaya niyan mapano siya sa daan.", saad ko dahil may nangyari na sa kanya noong pumunta kami sa bahay ni Tallia at ayokong maulit sa kanya iyon.
"Tara pasok na tayo.", saad ko ng kunin ko ang ibang dala nila.
"Nay nandito na po sila.", sigaw ko na sana marinig nito. Maya-maya ay lumabas din si Nanay dala-dala ang isang bowl ng espesyal niyang adobo sabay lapag sa mesa.
"Tita.", sabi ng dalawa at nagbeso kay Nanay.
"Oh saan si Yil? Hindi ba siya pupunta rito?.", tanong ni Nanay ng mapansing wala ito.
"Pupunta po siya dito Tita susunod na lang daw po.", saad ni Lydie.
"Sayang naman sabay sabay na sana tayong kumain at ipinagluto ko kayo ng espesyal kong adobo..", saad ni Nanay sa amin.
"Wow Tita! Thank you.", saad ni Tallia na nauna na sa aming umupo sa mesa. Natawa naman si Nanay sa ginawa nito kaya sumunod na lang kami.
"Excited na akong kumain masarap po kasi ang luto niyo Tita.", ngiting sabi ulit ni Tallia na ikinatawa namin.
"Ngayon ko lang nalaman na marunong ka na palang mambobola hija.", ngiting sabi ni Nanay ng maupo sa tabi ko.
"Naku! Si Tita talaga hindi na natuto sa akin na masarap ka po talagang magluto.", saad naman ni Lydie habang tumatawa lang kami.
"Oh sige na nga. Pray na muna tayo para makakain na.", ngiting sabi ni Nanay habang si Lydie ay tahimik lamang.
Nang matapos kaming kumain ay nakipagkwentuhan muna kami kay Nanay at yun naman ang pagdating ni Yil na may dala-dalang halayang ube na pinabaon para sa amin ni Tita.
Nang matapos ang usapan namin kay Nanay ay dumiretso kami sa kwarto ko. Alam ko naman na kakasya kami dito dahil maiwas naman ang kwarto ko. May malaking kutson sa baba at may maliit din akong sofa. Tawa pa kami ng tawa nang makapasok kami sa kwarto. Inilapag namin ang gamit namin sa sofa at sa sahig ang mga pagkain at inumin.
"Magmomovie night ba tayo?.", tanong ni Lydie sa akin. Napangiti ako dito ng maupo sa kutson sabay iling dito.
"Eh anong gagawin natin?.", tanong naman sakin ni Yil.
"Guys... kaya ko kayo pinapunta dito dahil gusto kong magkwentuhan tayo o di kaya magusap-usap ng kung ano ano.", seryosong sabi ko habang sila naman ay nakatingin lang sa akin.
"Para san naman Bhest?.", Tallia said.
"Nararamdaman ko kasi na... na madami na tayong pinagsamahan pero parang... para kasing meron pa rin tayong tinatago sa isa't-isa. Na para bang meron tayong problema na hanggang ngayon hindi natin masabi-sabi.", saad ko na hindi mapakali habang sila ay nakatingin sa malayo.
"Matagal ko na kasing naisip na... bilang bestfriend niyo parang madaming nangyari na wala akong alam? Kung kelan ko ba kayo huling kinumusta?.", naiiyak kong sabi habang sila ay naiiyak na rin sa mga pinagsasabi ko.
"Mga Bhest kumusta kayo?...", naiiyak kong sabi sabay pahid ng luha ni Yil habang nakatingin sakin. Tumabi pa ako sa kanila para tingnan mga mukha nila.
"Kumusta pag-aaral natin, pagkakaibigan natin at higit sa lahat kumusta mga puso natin?. Yil, Tallia, Lydie.", teary eyed na sabi ko sa kanila habang tinatawag ko sila paisa-isa.
"Ok naman bhest. Thank you sa mga lesson na hindi ko alam agad niyo kong tinuturuan....", saad naman ni Tallia na naiiyak na rin kaso pinipilit lang nito na hindi mapaluha.
"Alam naman niyo siguro na isa lang ang lalaking gusto gusto ko pero sa ngayon masasabi ko na wala ng pag-asa. Mahal ko siya pero iba ang mahal niya. Ayokong diktahan ang puso niya na ako ang mahalin niya dahil ayokong makita na nahihirapan siya...", lumuluhang sabi ni Tallia sa amin habang panay ang pahid niya dito.
"Ako Bhest nahihirapan kasi hindi ko alam kung ano susundin ko. Nasasaktan na din kasi ako sa kakaisip kung laruan lang ba ko para sa kanya.", sabi ni Lydie habang pinupunasan ang kanyang luha. Nabigla ako dahil hindi ko akalain na may namamagitan pala sa kanila ni Albert.
"Ako Bhest nasasaktan ako kasi hindi ko rin alam kung susundin ko ba yung dinidikta ng puso ko o yung sinasabi ng utak ko.", umiiyak na ding sabi ni Yil.
"Mahal ko siya Bhest... pero hindi ko lang piniling ipaglaban dahil alam kong mas sasaya siya sa iba.", sabi ulit ni Yil habang humihikbi.
"Shh....", saad ko habang hinahaplos likod nito. Agad ko naman silang niyakap habang umiiyak pa rin sila. Mahigpit ang yakapan namin habang ako naman ay tuloy tuloy lang ang buhos ng mga luha ko.
Ano na bang nangyayari sa amin? Parang kelan lang masaya kami pero ngayon heto at umiiyak kami. Pambihira talagang buhay to. Lagi na lang kaming talo. Aaminin ko nasasaktan din ako pero makita kong masaya siya sa iba? Hayaan ko na malay ko masaya talaga siya sa kanya at hindi sa piling ko.
Panay pa din ang haplos ko sa likod nila habang umiiyak sila. Darating din ang araw naiisip ko na may nakalaan din para sa imin hindi nga lang sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...