Kinaumagahan, ang mga studyante sa Royal Teen Academy ay balik nanaman sa dati. May mga iba na tinatamad habang nasa klase, yung iba naman ay relax lang, samantalang yung iba ay panay ang tsismis sa katabi. Ng magbell ay kanya kanya ito sa kanilang gusto tutal recess naman. Sabay na pumunta ang tropang "Saugashimada" sa canteen at agad naman silang sinalubong nina Brena at Claire.
"Hi guys!.", bati sa kanila ni Claire.
"Hi!.", sabi nila Ashly kay Claire at Brena.
"Teka nga lang guys? Bakit ganyan makatingin mga ibang studyante sa amin?.", takang tanong ni Elizabeth sa kanila Claire.
"Don't you know that there's a leaked photo?.", paniniguradong sabi ni Claire sa kanila.
"What?", curious na sabi ni Ashly.
Pataray na lumapit si Ashly sa isang babaeng malapit sa kanila sabay hablot ng phone na hawak nito. Natakot naman ito dito kaya napayuko ang ulo nito.
"What's this.", sabi ni Ashly sabay tingin sa phone ng makalapit na ito kanila Claire.
"Seriously?.", sabi nito sabay tawa.
"What's the matter?. At least they know that there's something going on between Althea and Alfred.", sabi ni Berna kay Ashly na napangiti na lang si Thea sa kanila.
"Oo nga naman and I'm the one who share it to them.", nakapamewang na sabi ni Claire.
"I know right? At was wonderful for me so Althea more power.", nakangiting sabi ni Ashly kay Thea.
"Thanks Bhest.", malawak na ngiting sabi ni Thea.
"Tara kain na tayo at gutom na ko.", reklamong sabi ni Eliz kung kaya't napatawa silang lahat.
Garden:
Kumakain sila Yil sa may bench habang panay ang kwentuhan nila yung mga nangyari lahat sa kanila sa barko lalo na sa Virgin Island. Nagring ang cp ni Tallia kung kaya't binuksan niya ang message nito. Tumawa pa ito saglit sa kanyang mga bhestie na panay ang tawa habang nagkekwento. Tiningnan niya ang kanyang cp. Nabigla siya kung kaya't nabitawan nito ang hawak hawak niyang sandwich kung kaya't nnahinto ang kwentuhan na kanyang bhestie at tumingin sa kanya. Ngumiti si Tallia sa kanila at nagpaumanhin sa mga ito. Tumayo siya saglit naglakad malayo sa kanila sabay tingin sa kanyang cp at nakita ang picture nila Alfred habang kaakbay nito si Athea na may dolphin sa likuran nito. Nakagat ni Tallia ang kanyang ibabang labi habang nakatingin pa rin sa kanyang cp. Pinikit pikit nito ang kanyang mga mata para pigilan ang gustong kumawalang luha. Nagbuga si Tallia ng hangin sabay off ng kanyang phone. Tumingin siya sa mga halamanan at ngumiti para ibsan nito ang kanyang kalungkutan. Pumunta siya sa kanyang bhestie ngunit napatil siya sa paglapit dito dahil nakatingin ito sa kanilang phone.
"Althea do this.", sambit ni Lia.
"Yeah I know.", segunda naman ni Lydie.
Lumapit siya dito sabay upo sa bench katabi nila.
"Hi guys. So saan na ang topic natin?.", nakangiting sabi ni Tallia sa kanila pag-upo. Nakatitig lang sila Lia, Yil, at Lydie kay Tallia na mukhang pinagmamasdan nito ng maigi ang kanyang ekspresyon.
"What?. Bakit ganyan kayo makatingin?.", sabi ni Tallia ngunit sa loob-loob nito ay gets na niya kung bakit ganyan ang reaksyon na pinapakita sa kanya.
"Seriously Tallia?.. Please let it out. I know you already know that's why you left us awhile ago.", titig na sabi ni Lia sa kanya na agad namang ikinadismaya ng dalawa. Napabuga lang siya ng hangin at napailing sa sabi ni Lia pati na rin sa reaksyon ng dalawa.
"C'mon guys don't take it serious... It's just a crush.", kunot noong sabi ni Tallia sa kanila. Tumingin lang mga ito sa kanya at napailing.
"Ok so saan na yung previous na usapan natin?.", tanong ni Lydie sa kanila kung kaya't nagpatianod na lang ang mga ito at pinagpatuloy ang kanilang kwento.
Natapos ang recess ay pumunta na sila sa classroom para sa susunod na subject. Habang nagtuturo ang kanilang teacher ay panay ang tingin ni Tallia sa picture nila. Tumulo ang kanyang luha na agad namang ikinayuko niya sabay punas ng luha gamit ng kanyang kamay. Tiningnan niya ulit ang larawan sabay delete ng picture at off ng phone. Nilagay niya ito sa kanyang bulsa sabay tingin kay Alfred na nasa unahan niya sa bandang kanan na nakatutok ang tingin sa kanilang teacher. Nagsmirk lang si Tallia dito sabay hawak ng kanyang notebook at ballpen at nakinig na din sa teacher. Natapos ang klase ay lutang pa rin ang kanyang utak dahil sa mga naiisip niya na bagay-bagay. Palabas na sila ng campus ng magpaalam na sila sabay sabay. Ngumiti pa siya dito at kumaway din sabay punta sa way kung saan naghihintay sa kanya ang driver. Habang naglalalad si Tallia ay naaninag niya si Althea na papasalubong sa kanya kung kaya't huminga siya ng malalim at nilakasan ang loob.
"Hi Althea! did you...", putol na sabi ni Althea habang papasalubong sa kanya.
Nakatingin lang ng deretso si Tallia patungo sa kanyang nilalakad na walang narinig at sinagi nito ang balikat ni Althea na parang walang nakitang tao sa harapan.
"Oww... Jealousy.", nakangiting sabi ni Althea sabay lingon kay Tallia na papasakay sa kotse. Tumawa pa ito at umiling-iling sabay alis.
Ng makarating si Tallia sa kanilang bahay ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop sabay bukas ng Facebook. Napatami na lang siya dahil ang larawan nila Alfred at Althea ang unang lumabas sa kanyan wall. Nakita niya na mukhang trending ito dahil madami ang like nito, comment at share. Kalat nga ito dahil karamihan sa mga studyante ng Royal Teen Academy ay ito ang topic. Tiningnan niya ang comment at panay compliments. Sinara niya ang laptop sabay lagay malapit sa mesa kung saan siya nagaaral paggabi. Humiga siya sa kama at napaluha dahil sa larawan. Na kung saan ay nasasaktan siya ng lubusan dahil crush niya si Alfred. Crush na umusbong sa malalim na pagmamahal ngunit ang masaklap ay may iba na pala.
Author's Note:
Yan Tallia sige maging matapang ka, palaban! Ito na ba ang simula ng kanilang laban kung sino ang nararapat na suklian sa pagmamahal? Sino nga ba ang nararapat? Si Althea ba o si Tallia? Pero hangang saan namang kaya hahantong ang nararamdaman ni Tallia? Isusuko na lang ba niya dahil nararamdaman niya na wala siyang pag-asa? O ipaglalaban niya dahil alam niyang ito ay ang dapat na tama?.
Abangan....
Please vote and do comments guys. Thank you. 😊
#RoyalTeenAcademy
#NikitaGoldenViolet
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...