RTA: Camera

56 4 0
                                    

Football Event

Kahit wala na si Jasper sa kanilang grupo ay ginalingan naman nila Robert sa paglaro hanggang sa nasungkit nila ang trophy. Todo naman hiyawan at sigawan ang mga studyante dahil sa pagkapanalo nila.

"Panalo sila!.", sigawan nila Lydie, Pricillia, at Britney sa tuwa.

"I love you Robert!! Wohoh!.", sigaw ni Britney dito. Agad siyang tumingin kanila Lydie, Tallia, at Pricillia ngunit nakatingin lang ito sa kanya na parang "serious look".

"Ay! Sorry.. Joke lang yun. Hahah Sayo lang si Robert Lia. Hindi ko aagawin.", sabi ni Britney sabay peace sign.

"Oo na. Pero panalo sila!.", nakangiti namang sabi ni Lia hawak ang kamay ni Britney habang tumatalon. Sumabay sabay na din sila Tallia at Lydie.

"Teka asan si Yil?.", sabi ni Tallia.

"Pumunta kay Jasper.", sagot ni Lydie.

"Pero kanina pa. Baka ano ng nangyari dun.", sabi ni Tallia.

"Wag kang magalala gusto atang mapag-isa ng dalawa.", tawa ni Britney.

"Ikaw talaga Britney kung ano anong iniisip mo.", saway na sabi ni Lydie.

"Tara punta tayo sa kanila?.", pag- iiba ng usapan ni Pricillia.

"Tara.", sabi naman ni Lydie na nauna na.

Agad nga silang pumunta kanila Robert.

"Congratulations!!.", Lydie, Lia, Tallia, and Britney said then smiled at them.

"Salamat.", sabi ng apat habang nakangiti.

"Oh tara picture naman tayo.", yaya ni Britney sa kanila.

"Oh sige.", sabat agad ni Albert.

"Group picture please? Kuya picturan mo naman kami.", sabi ni Britney sa dumaan na lalaki.

Tinanggap naman ito ng lalaki at pumuta sa tapat nila para kunan sila ng larawan.

"Coach sama na po kayo. Pati na din kayo mga Kuya.", daldal ni Britney sa mga kasamahan nila Robert. Napangisi na lang si Kurt at sumunod na.

"Ok. 1...2...3...", then camera flashed.

"Wacky pa Kuya.", sabi ulit ni Britney.

"1...2...3...", camera flashed.

"Thank you Kuya!.", magiliw na sabi ni Britney sa lalaki sabay kuha ng camera.

"Maiwan ko muna kayo.", paalam na sabi ni Mr. Reyes.

"Sige po coach salamat.", sabi ni Robert na agad nakipagkamay. Sumunod na rin sila Alfred.

"Tingnan ko nga.", sabi ni Lydie.

Tiningnan ng apat ang larawan sa camera habang sila Robert ay papalapit sa kanila.

"Ok. Ok na. Kayong 6 naman.", nakangiting malapad si Britney.

"Oh ano pang tinitingnan-tingnan niyo diyan ha? Magtabi tabi na kayo.", reklamo ni Britney sabay form ng camera.

Pumunta nga silang anim sa gitna para magpakuha ng larawan. Habang si Britney ay pigil ang tawa sa kanila habang kinukuhanan niya ng litrato.

"Ayan ang ganda niyong tingnan.", nakangising sabi ni Britney sa anim.

"Partner partner naman.", daldal ulit ni Britney.

"Huh?!.", react ni Tallia.

"Sige na ngayon lang to.", kumbinsing sabi ni Britney dito.

"Tayo na muna Lydie.", nakangiting sabi ni Albert samantalang si Lydie naman ay nganga lang.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon