Pricillia POV:
Pumunta kami sa garden para pumulot ng mga dumi na nagkalat dito. Eto kasi ang parusa sa amin bunga ng pag-aaway namin sa canteen. Medyo ok na ito kesa naman sa makakuha kami ng expulsions. Alam kong magagalit sakin si Nanay pati narin sila Tita sa mga bestfriends ko kung malaman nila ang nangyari sa amin.
"Guys! Mabuti pa maghiwahiwalay tayo para naman matapos kaagad ito.", saad ni Yil sa amin sabay tango namin.
Pumunta nga ako sa kabilang dako kung saan nakita ko ang mga nagkalat na pinagkainan ng mga studyante sa bawat mesa. Paisa-isa ko munang kinuha ang mga kalat sa bawat mesa. Pagkatapos ay inilagay ko na sa basurahan.
Panay ang tingin ko sa mga iba't ibang bulaklak nang may umabot sa akin ng pagkain. Agad akong napangiti dahil sandwich ito at orange juice. Lumingon agad ako dahil ang sweet talaga ng mga bestfriends ko.
"Bhest! Sa-.", hindi natapos ang sasabihin ko dahil si Robert ang tumambad sa paningin ko. Nawala ang ngiti ko bagkus nakakunot ang noo ko.
"Anong ginagawa mo dito?.", saad ko dahil naguguluhan ako.
"Nakita kita na nagtatapon ng mga basura dito kaya bumili ako ng pagkain baka gutom kana o di kaya nauuhaw kana.", nakangiting saad nito. Kusa nitong ibinibigay ang pagkain at juice sa akin kaso hindi ko ito tinanggap.
"Pasensiya na Robert kaso hindi pa ako gutom o nauuhaw. Sa katunayan nagsisimula pa lamang ako.", pagsisinungaling ko.
"Ganun ba?.", mukhang malungkot na saad nito.
"Bakit hindi mo na lang ibigay kay Bernadette baka gutom na yun alam mo naman yun.", saad ko na ikinakunot ng noo nito na para bang nanghihinala at agad naman akong napangiti dahil doon. Speaking of, papalapit na ang bruha.
"Oh! Nandito na siya. Sige alis na ako.", saad ko sabay alis.
"Lia sandali...", saad nito ng pigilan ako. Kita ko sa mukha nito ang lungkot pero agad kong pinalis ang braso ko na hawak nito.
"Madami pa akong tatrabauhin Robert.", sabi ko sabay alis kaso agad nahawakan nito ang kamay ko. Lakas nang pintig ng puso ko ng maramdaman kong hawak nito ang kanang kamay ko.
"Lia... pwede ba kitang yayain mamaya?..", saad nito. Huh? Wait! He's asking me to go out?
"A-ano?", kandautal na sabi ko na ikinangiti nito.
"Hi Robert.", tawag ng bruha sa likuran niya. Agad kong tinanggal ang kamay kong hawak nito. Kahit hindi ko lingunin alam ko kung sino nagmamay-ari ng boses nito.
"Ba't nandito ka? Hinahanap mo ba ko?.", malanding sabi nito. Assumera. Hindi na ko magtataka. Bago pa makapagsalita si Bernadette ay umalis agad ako.
Kinuha ko ang mga ibang kinainan sa huling mesa. Habang tinatapon ito sa basurahan ay narinig ko pang naguusapan ang mga ito.
"Nga pala ba't hindi ko nakikita si Jasper kasama niyo?.", rinig kong sabi ni Bernadette na ikinatigil ko.
"Hindi pumasok at may sakit sabi sakin ni Tita.", rinig kong sabi ni Robert.
Tumingin muna ako kay Robert bago pagpasyahang pumunta sa mga bestfriend ko.
Yil POV:
Hindi ako mapakali habang panay lakad ko paparoon at paparito sa kwarto ko kung pupunta ba ako o hindi. Mga bandang alas 5 na ng hapon ng sabihin sa akin ni Lia na may sakit daw si Jasper. Kaya pala hindi siya pumasok 2 araw na. Napaupo ako sabay upo sa kama ko. Napabuntong hininga ng magawi ang mga mata ko sa shoulder bag ko. Agad akong tumayo at pumunta sa kusina.
"Ma!.", sigaw ko pero wala si Mama sa sala. Pumunta din ako sa kusina pero walang tao doon.
Agad kong tiningnan ang drawer habang nagiisip kung anong lulutuin ko sa kanya na babagay sa panlasa ng tao kapag may sakit. Napangiti ako ng maisipang magluto ng lugaw. Halos kalahating oras ako natapos habang inilalagay ito sa container. Kumuha ako ng papel tska ballpen para magpaalam kung sakaling hanapin ako ni Mama. Idinikit ko ito sa ref at lumabas na ng bahay.
Halos 20 minuto ang tinahak ko nang makapunta ako sa kanyang bahay. Huminga muna ako ng malalim bago maisipang magdoorbell. Nakadalawang doorbell ako ng may bumukas ng gate. Yaya ito at medyo matanda na.
"Magandang gabi po.", magalang kong sabi dito.
"Magandang gabi naman hija. Anong pakay mo at naparito ka?.", tanong ng matanda sa akin.
"Mabisita lang po kay Jasper.", nahihiyang saad ko dito na ikinatuwa nito.
"Aling Nonie sino po yan?.", saad ng boses babae na sa tingin ko ay familiar sa akin.
Maya-maya ay tumambad ito sa akin at napangiti na lang ako.
"Magandang gabi po. Maaari po bang bumisita kay Jasper kahit saglit lang?.", saad ko sabay tingin sa dala ko.
"Sige pasok ka hija.", saad nito sabay tingin ko dito.
Pinapasok nga ako nito sa loob. Maganda at malaki ang bahay nila lalo na ang mga interior design sa kanilang bahay. Panay ang libot ng mata ko ng humarap ito sa akin.
"Aling Nonie pakilagay po sa mangkok ang dala niya.", saad niya ng ibigay ang dala ko kay Aling Nonie.
"Punta ka sa kabilang kwarto at nandoon ang kwarto niya hija. Maiwan muna kita at maghahanda muna ako.", saad ng mama niya ng ituro sa akin kung saang banda ang kuwarto niya. Agad naman akong tumango sabay taas ng hagdan. Kumatok muna ako ng ilang beses bago pumihit sa loob.
"Jasper? Oh my God!...", sabay talikod kong sabi habang nakapikit na hindi mapakali. Ang lakas ng dagundong ng dibdib ko dahil sa kaba at pagkamangha. Sucks! Agad akong pinamulahan dahil doon because he's wearing his boxers only.
"Yil...", baritonong saad nito na halatang may sakit nga. Agad akong pinanlakihan ng mata ng makitang malapit ito sa akin. Agad akong napaatras at tumama ang likod ko sa pintuan dahil dun.
"Anong ginagawa mo dito?.", parang nanghihinang sagot niya. Mukhang pinipilit niya kahit hindi siya ok.
"Nabalitaan ko kasing may sakit ka raw kaya pumunta ako rito kung totoo nga.", palusot ko dito habang nakatitig lang ito sa akin.
"Ok lang ako. Bukas makakapasok na ako.", saad nito sabay hawak sa pader. Kumunot ang noo ko dahil mukhang nanghihina ito.
"Ok ka lang ba?.", nagaalalang sabi ko dito. Agad kong hinawakan ang noo nito pati na rin sa bandang leeg nito ng hagipin niya ang kamay ko. Nabigla ako dahil doon pero agad naman niyang binitawan ang kamay ko.
"Uhmm... sige pasensiya na sa abala. Pagaling ka. Bye...", saad ko dahil mukhang ayaw niyang makita akong bumisita. Napangiti ako ng mapakla dahil mukhang si Ashly ang inaasahan niyang makita.
Tumalikod na ako dito para buksan sana ang doorknob ng hawakan nito ang braso ko. Sobrang init ng dulot nito kaya humarap ako dito.
"Jasper?.", sabi ko dahil hindi balanse ang tayo nito na para bang matutumba.
"Jasper? Ok ka lang ba? Anong masakit sayo?.", saad ko ng hawakan ko ito hanggang sa sumampa ang ulo nito sa balikat ko kung kaya't naalarma ako. Muntik pa kaming mabuwal dahil sa bigat nito kaya agad kong niyakap ito.
"Jasper ang init mo. Jasper!!!.", saad ko habang tinatapik ko ang mukha nito kaso mukhang tulog na ito.
Inihiga ko ito sa kama sabay kumot dito. Agad may kumatok kaya agad namang napatayo ako. Bumugad sa akin ang Nanay ni Jasper ng bumukas ang pinto. Dala nito ang isang maliit na basin at puting panyo.
"Kumusta na siya?.", tanong ng Mommy niya sa akin.
"Sobrang init po niya.", saad ko ng kuhain ko ang bimpo sabay basa nito. Pinigaan ko muna nito bago inilagay sa noo nito.
Maya-maya ay may kumatok. Ito yung Aling Nonie na tinawag ng Mommy ni Jasper. Dala-dala nito ang lugaw na dala ko sabay lagay sa mesa.
"Ako na lang po magpapakain ng lugaw kay Jasper.", saad ko habang nakayuko sabay alis ng dalawa.
Tumingin ako kay Jasper sabay hawak sa noo nito. Binasa ko ang bimpo ulit habang pinupunasan ang kanyang braso para mawala wala ang kanyang init.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...