Tallia POV:
Sumama nga sa akin sila Yil at Lia papunta kay Mang Nardo shop. Pwede kasi ditong humiram ng gamit pangswimming basta wag lang masisira kundi ikaw ang magbabayad. Pumasok kami sa shop na sinabi ko at nakita ang isang matanda na nagaayos ng mga gamit sa shop.
"Manong may nahihiram po ba ditong board?", magalang na sabi ko.
Pagkasabi ko ng board eh nagkatinginan sila Yil at Lia sa isa't-isa sabay tingin sa akin na para bang nagtatanong na Sigurado ka ba diyan Bhest sa gagawin mo? Or sa sinabi mo?
"Aba'y mayroon hija. Bakit mahiram kaba?", tanong ng matanda sa akin.
"Opo.", nakangiting sabi ko.
"Sige andyan lamang hija.", sabi sakin ng matanda at tinuro sa dulo ang section ng mga board. Yes I pertaining to the surfer's board. Marunong na kasi akong magsurf since elementary pa ako. Hindi kapani-paniwala noh? Pero yan ay ang totoo. Grade 4 ako nun kung saan every summer pumupunta ko beach at pumapasok sa Surfer's Academy kung saan lahat ng mga tao mapa-elementarya, highschool, college, or matanda basta interesadong matuto ay tinuturuan kung pano maging isang surfer at magaling din pagdating sa pagsalubong ng mga naglalakihang waves. Although mahirap kinakaya ko pa rin kasi nga gusto kong matuto. May kasabihan nga na kung gusto may paraan, kung ayaw madaming dahilan diba?. Tiningnan ko ang mga nakadisplay at kinuha ko ang kulay pink.
"Manong heto na lang ho.", sabi ko kay manong na pinakita ang board.
"Sige.", nakangiting sabi nito.
"Salamat po.", sabi ko sa kanya.
"Walang anuman hija.", nakangiting sabi nito at tumalikod na sa amin.
"Sige po.", sabi ko na lamang habang nagaayos ng gamit ang matanda.
"Tara na.", sabi sakin ni Yil at lumabas na kami sa shop ng matanda.
Malakas na ang alon pagtingin ko sa karagatan at wala ng lumalangoy na mga tao. Nakikita ko na parang walang imik pa din ang dalawa kaya tumingin ako sa kanilang dalawa at nagsmile.
"Don't worry. Marunong ako.", nakangiting sabi ko sa kanila hawak-hawak ang pink board. Malaki ito pero maganda ang pagkahulma or shape in short.
"Mag-iingat ka.", sabi ni Lia sa akin.
"Maganda ba kong tingnan?.", joke na tanong ko sa kanila at nagpose pa.
"Oo naman maganda ka.", approve nasabi nila sa akin.
Dahil dun napatawa na lang kami. Tinanggal ko ang jacket at suot ko ang P.E naming tuwing nageexercise kami at activities na gagawin.
"Well malakas na sobra ng alon. It's time for me to have fun.", nakangiting sabi ko na nakatanaw sa malawak na karagatan.
"Ingat Bhest. Kaya mo yan.", sabi sakin ni Yil.
"Thanks. Watch me.", sabi ko sa kanila Yil at Lia at napatingin sa dako nila Althea. Alam kong nakatingin sakin sila Ashly pero balik tanaw ulit ako sa karagatan. Isinampa ko ang board sa balakang ko at nagi-stretch ng katawan. Pagkatapos ay lumusong na ako sa tubig.
Althea POV:
Habang nakikipag-usap ako kanila Ashly ay nakita kong may dala-dala si Tallia na agad namang ipinagtaka ko. Ma-surfer ba to? Tama ba hinala ko? Pero ininda ko lang ito dahil kausap ko sila Ashly. Maya-maya'y nakita kong nakatingin si Ashly sa way nila Tallia. Kaya pala mukhang iba ang tingin ni Ashly dito dahil nakatingin din pala ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
أدب المراهقين- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...