"Kahit talaga kelan napaka-asyumera mong babae ka!.", duro ni Elizabeth kay Lydie papunta sa kanila. Agad namang napatingin si Yil, Lia, at Tallia kung kaya't napailing na lang si Lydie.
"At ano nanaman bang pinagaasume ko Elizabeth eh masaya na ko sa sarili ko.", saad ni Lydie sabay tayo ng sumulyap dito.
"Masaya? Oo nga pala masaya ka pag may inaagaw kang iba.", saad ni Elizabeth in a sarcastic way that's why Ashly, Bernadette, and Althea laughs.
"Hindi ako katulad mo Elizabeth na pag may nakitang iba tinitira kahit harapan na.", giit ni Lydie dito sabay tayo nina Yil, Pricillia, at Tallia.
"Aba loko ka ah?!.", saad ni Elizabeth ngunit naharangan agad siya ni Pricillia.
"Stay back Elizabeth.", seryosong saad ni Pricillia sabay tawa ni Bernadette.
"Nagsalita nanaman ang pabida kala mo kung sinong magaling na senyora.", parinig ni Bernadette sa kanya habang nakataas ang kilay.
Lalapit sana si Pricillia kay Bernadette kaso agad siyang pinigilan ni Yil.
"Lia kalma ka lang.", malumanay na saad ni Yil hawak hawak ang braso nito.
"Hay naku kunyari namang isang tong pabebe pero sa loob loob demonya.", saad ni Ashly na tinutukoy si Yil.
"Kung makapagsalita ka naman kala mo ang gagaling niyo ba't kasi tingnan niyo muna sarili niyo kung ano ba talaga kayo?.", saad ni Lydie.
"Ano kami? Malamang tao kami. Yung nga lang maganda kami.", pagmamalaking saad ni Bernadette sabay tawa ng tatlo.
"Talaga? Tingin ka muna kaya sa salamin para malaman mo kung anong klaseng timawa ka.", saad ni Lia na ikinagalit nila Bernadette at Ashly. Samantalang nagpipigil sina Althea at Elizabeth sa dalawa.
"Ganyan na ba talaga kayo magsalita? Maibuka lang ang bibig para may masabi?.", saad ni Althea.
"Abah! Huwag kang abusado dahil pinapaalala ko lang sayo na marami talaga kayo.", Tallia said sabay taas ng kilay ni Althea dito.
"Ba't kasi hindi mo sabihin sa mga kasama mo lalong lalo kana na huwag nang umasa kasi wala silang gusto sa inyo!.", turo naman ni Elizabeth kay Lydie papunta kanila Yil, Tallia, at Pricillia.
"Ano ba kasing pinapatuyan mo? Na sainyo na ang apat?. Pag-aari niyo na?. Sa pagkakaalam ko'y walang walang sa inyo.", saad naman ni Lydie.
"At tska huwag mo kaming maduro duro Elizabeth dahil wala kang karapatan duruin kami dahil kahit kelan ay hindi mo kami pinapakain.", saad ni Tallia sa kanya.
"At bakit naman hindi? Duduruin ka namin, kayo hangga't gusto namin.", giit ni Althea dito.
"Ano Yil masakit ba na may ibang gusto ang iyong minamahal? At alam mong hindi ikaw?.", pataray na sabi ni Ashly sa kanya kung kaya't napatingin lang si Yil sa kanya.
"Ano? May sasabihin kaba?.", saad ulit ni Ashly dito.
"Pwede ba Ashly kung naghahanap lang kayo ng away maaaring makakaalis na kayo.", turan ni Yil dito.
"Aba! Aba buti naman at nagsalita kana na akala mo kung sinong mahal na prinsesa. Sa tingin mo ba pagmamay-ari mo to?.", sabay turo ni Althea sa lugar kung saan sila.
"Hindi pero kami ang nauna sa espasyong ito so pwede na kayong makakaalis.", sabay turo naman ni Yil sa kanila senyas na pinapaalis sila.
"Ano kami tanga na susunod sa iyong sinabi? Nahihibang ka na ba?.", turan ni Ashly dito.
"Kayo lang naman kasi ang pumunta dito para maghanap ng kaaway hindi ba? Susugod sugod kayo at magsasabi sabi sa kung ano anong maimbento.", saad ni Lydie sabay tingin kay Elizabeth.
Jasper POV:
Recess na namin ng mapagpasyahan kong umupo na lang sa sulok malapit sa bintana. Tumingin sa malayo at mag-isip ng kung ano. Agad akong napalingon ng may tumabi sakin, si Albert. Mukhang balisa ito at wala sa ganang kumain. Mukhang malalim ang iniisip habang nakatingin sa hawak nitong pagkain.
"Dude! Ok ka lang ba?.", saad ko dito.
"Oo may iniisip lang ako.", sagot nito.
Magsasalita pa sana ako ng pumasok si Kurt at pawisan sa kakatakbo. Napakunot noo ako ng lumapit ito sa amin.
"Dude kelangan ko tulong niyo.", habol hiningang saad ni Kurt dahil sa pagod.
"Bakit anong nangyari?.", saad ni Robert.
"Sina Ashly at Pricillia nagaaway sa garden.", saad nito.
"Huh?!", hindi makapaniwalang saad naming apat. Yil! Unang pumasok sa isip ko.
Magsasalita pa sana si Kurt ng tumakbo agad ako palabas. Habol ko ang aking hininga pababa ng hagdan. Masyado kasing malaki ang building ng Royal Teen Academy at medyo malayo layo pa ang garden. Maya-maya ay agad kong naramdaman na nasa likod ko na pala sina Robert, Alfred at Albert.
Dali dali kaming nakapunta sa garden at halos maraming estudyante ang nanunuod. Habol ko ang aking hininga ng makipagsiksikan kami sa kapwa namin estudyante. Nakita kong nagsasabunutan ang mga ito, may nakahiga habang nakikipagsabunutan at mayroon namang nagsasampalan.
"Yil!.", sigaw ko sabay takbo dito. Nakahiga ito na nakakubabaw si Ashly sa kanya habang nakikipagsabunutan. Nakita kong dumadaing sa sakit si Ashly kung kaya't lumapit ako dito.
"Jasper help me!.", saad ni Ashly na mukhang iiyak na sa sakit habang hawak hawak ni Yil ang buhok nito.
"Yil tama na please bitaw na.", saad ko dito na agad namang binitawan ang buhok ni Ashly. Hinapit ko ang bewang ni Ashly patayo sabay tingin sa mukha nito pati narin sa buong parte ng katawan nito kung nasugatan ba ito ngunit wala naman.
"Are you ok?.", saad ko dito na agad namang tumango ito sabay yakap sa akin.
"Yeah thanks to you. Buti dumating ka kung hindi baka ano pang nangyari sakin.", malumanay na saad nito na mukhang naiiyak. Kumalas ako sa yakap nito sabay check ko pa rin dito ngunit bukod sa magulo ang buhok nito at madumi ang uniform ay wala namang sugat.
Naramdaman kong agad na tumayo si Yil sabay pagpag ng kanyang damit na madumi dahil sa putik. Magulo din ang buhok nito lalo na ang mukha nito.
"Yil are you ok?.", saad ko. Hahawakan ko sana ang mukha nito kung ok lang ito ngunit agad niyang kinabig ang kamay ko sabay alis.
"Bitawan mo ko.", rinig kong sabi ni Tallia kay Alfred sabay sunod ng tatlo kay Yil.
Tumingin ako kanila Robert na inaalalayan sina Berna, Thea, at Eliz. Napabuga ako ng hininga at sabunot ng aking buhok sabay tingin sa ibang estudyanteng papaalis.
BINABASA MO ANG
Royal Teen Academy (Completed)
Teen Fiction- a love story about highschooler Yil Montealegre who goes to Royal Teen Academy. Before 1st day of school, she accidentally met a guy at Mall and likewise, they are schoolmates. And when they fall in love to each others secretly, a thunder named As...