RTA: Teach You Some Steps

61 4 0
                                    

Alfred POV:

Sumenyas sa amin si Albert kung kaya't umalis muna kami pababa at iniwan sila Althea. Alam ko kung bakit sumenyas si Albert at alam ko rin na nandito na sila Tallia kaso pumunta lang ako sa bartender para kumuha ng inumin. Inuming pangainit ng sikmura at pangpakalma dahil mukhang nilalamig yata ako at nininyerbos. Oh c'mon kelan pa naging ganito ang angkan namin? Di ba laging cool lang? Kusang sila lang ang bumibigay hindi ako. De Leon ata ito. Lumilingon lingon ako kung asan sila kaso hindi ko makita. Nagkahiwa-hiwalay kasi kami kaya hindi ko na alam kong nasaan sila. Habang nakaupo ako sa stool at umiinom ng wine ay may lumapit sa aking babae. Hinaplos nito ang aking kanang braso tapos umupo sa tabi ko. Masasabi kong maganda ang lumapit sa akin, maputi, maliit na matangos ang kanyang ilong at daring ang suot na damit nito.

"Hi!.", nakasmile na sabi nito sa akin.

"Hi!.", sabi ko naman at uminom parin ng wine.

"Mukhang mag-isa ka lang.", sabi nito sa akin sabay inom ng cocktail na hawak nito.

"Yeah.", tipid na sabi ko.

"Wala ka bang friends kahit na isa?.", nakatinging sabi nito sa akin.

"Yes I have. Kaso hindi ko sila mahanap.", sabi ko at uminom Oh it ng wine.

"Oh sad. By the way I'm Nicole.", nakangiting sabi nito sa akin ng sabay lahad ng kanyang kamay.

"Albert.", sabi ko at napangiting nakipagkamay dito.

"Nice to meet you Albert.", nakangiti pa ding sabi nito sa akin.

"Same to you Nicole.", sabi ko sabay lingon sa taas. Hindi ko man sadya pero nabigla ako dahil nandoon si Tallia mag-isa lang na nakaupo sa sofa. Maya-maya ay may lumapit ditong isang lalaki na agad ko namang naramdaman ang pagmamadaling pagtibok ng malakas ng aking puso.

"Would you like to dance?.", yaya nito sa akin na agad namang napakunot ang aking noo.

"Oh.. I'm sorry just saying.", komento nito sa akin. Mukhang na buntongan ko ata ito ng galit kahit wala namang kasalanan.

"I'm sorry but I need to go. Maybe later.", malumanay pero may pagkadeterminadong sabi ko dito.

"No it's ok. Go ahead.", nakangiting sabi nito sa akin. Siguro naintindihan naman nito kaya tumayo na ako at kumaway dito paalis.


























Tallia POV:

Nakaupo lang ako dito sa sofa habang tumitingin tingin sa mga sumasayaw sa baba. May lumalapit lapit sa aking mga lalaki kaso hindi ako pumayag na sumamang sumayaw sa kanila. Isa pa ayokong makisayaw sa mga hindi ko kakilala. Bilang babae alam ko kung hanggang saan lang ako at pangalawa para na din sa ikabubuti ko na hindi ako mapahamak. Kumain na lang ako habang hinihintay sila Yil kaso hindi pa sila pumupunta sa akin. Habang kumakain ay may nagsalita sa harapan ko.

"Hi!.", nakangiting bati nito sa akin.

"Hi!.", fake smile na sabi ko naman dito sabay inom ng tropical juice.

"I think I know you.", nakangiting saad nito sa akin na ipinagtaka ko naman.

"I'm sorry but I think we didn't meet before.", takang sabi ko dito para hindi siya masaktan. Wala talaga akong alam kung sino siya at hindi siya familiar man lang sa akin.

"In a beach.", nakangiting sabi pa din nito.

"Huh?.", sabi ko. Ano raw? In a beach? Oo dagat nga to pero hindi ko pa ito nakasalubong or nakausap man lang.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon