RTA: Walking In The Rain

69 4 0
                                    

Lia POV:

Matapos ang pag-aaway namin ni Robert ay pumunta ako sa Sweet Treat Shop para kumain. Um-order ako ng tsokolate at isang slice ng chocolate cake. Halos kahating oras akong nakaupo habang kumakain ngunit malalim ang iniisip. Pinadala ko ang aking gamit sa driver at nagsinungaling na may pupuntahan saglit. Mabuti naman at napaniwala ko ito pero sa katunayan ay gusto ko talagang mapag-isa at makapagisip-isip. Madilim at makulimlim ang langit, walang nakikitang mga bituin, madilim ang daan at kusang street lights lamang ang nagsisilbing liwanag. Hindi ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa aking pisngi. Malungkot ako dahil naalala ko na naman ang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Dala-dala ko ang ginawa kong cake dahil gusto kong ibigay para sa kanya. Ginawa ko pa lamang ito kagabi at inilagay sa ref para lumamig. Napapangiti ako habang tinatahak ang daan papuntang field. Ano na kayang ginagawa niya? Sa pagkakaalam ko ay nagpapraktise raw ang mga ito. Nasa building ako malapit sa swimming pool ng makarinig ako ng nagtatawanan. Mukhang familiar sa akin kung kaya't sumilip ako dito. I gasp hardly without even knowing that I already fell the box. Are they already end of kissing?. The way they smiled and touch his cheek, I'm surely as hell that there is something happening which I really don't know. I left the building and throw the box in a trash can with a tears on my cheeks.

But that was the past and I don't want to bring it back. Paano ko siya paniniwalaan gayung nakita ko na mismo ang kanyang kataksilan? Masisisi niyo ba ako? Magtitiwala pa ba kaya ako?. Kayo ano sa tingin niyo?. Tingin ko kung nasa posisyon niyo ako ganun din naman ang gagawin niyo. Although my other mind keeps on reminding me but I'm trying to forget that. Nasasagasaan ang ego ko sagad sa buto that's why I found some hobby for me to be able to be happy. I smirk because I fell on trap. I cried without a sound while the rain is began to falling. Sumandig ako sa wall at doon inilabas ang lahat ng sama ng loob.

Halos 1 oras lagpas akong nang makapasok ako sa loob ng gate. Walang gana ko itong binuksan ng takbuhin ako ni yaya na may dalang payong.

"Diyos ko hija. Ano nangyari sayo? Kanina ka pa hinihintay ng Mommy mo.", nagaalalang saad nito sa akin.

"Huwag niyo na po akong payungan tutal basa naman na ako.", dere-deretcho kong sabi papasok ng bahay.

"Anak! Anong nangyari sayo at basang basa ka? Nagpaulan ka kung kelan gabi na.", saad ni Nanay sa akin na nag-aalala.

"Taas muna po ako at maliligo ako.", walang ganang saad ko habang naglalalad paitaas.

"Sige sige bilisan mo at baka magkasakit ka. Ipagluluto kita ng arroz caldo.", pahabol na sabi ni Nanay sa akin.

Dali dali akong nagalis ng damit sabay shower ng maligamgam. Pagkatapos kong magsabon ay nagbanlaw kaagad ako. Nagbihis ako ng pantulog habang pinupunasan ko ang buhok para matuyo. Maya-maya ay kumatok si Nanay sabay pasok dala-dala ang bago niyang lutong arroz caldo.

"Oh heto anak humigop ka muna para mainitan ka.", saad nito ng ilagay ang tray sa harapan ko. Maya-maya ay pumasok na din si Yaya dala-dala ang 1 slices of bread at gatas ko.

"Salamat Nay.", saad ko ng humigop ako ng arroz caldo. Ramdam ko ang daloy ng init ng lunukin ko ito.

"Ano bang ginawa mo sa labas at nagpaulan ka?.", tanong ni Nanay sa akin.

Royal Teen Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon