~Ang Simula~

10.8K 227 10
                                    

~Isabella POV~

Nakaka inis isipin na pasukan na naman. Nakakabagot mang isipin pero kailangan ko na namang pumasok at makinig sa mahabang discussion. I hate lectures and discussions.

Ako nga pala si Isabella Segovia.
Nasa 4th year high school na ako.

Kung maitatanong niyo kung bakit highschool palang ako ay dahil hindi ako mahilig mag-aral kaya kapag boring na ang subjects hindi ko yun papasukan. That's me.

Masasabi kong may kaya kami dahil nag tratrabaho ang mommy ko sa isang malaking kompanya bilang isang Manager.
Ang daddy ko naman ay isang Dean sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.
Samantalang ang kuya ko naman ay isang kilalang engineer.

Naibibigay nila ang lahat ng gusto ko lahat ng luho ko sa buhay. Kaya ano pang silbi ng pag-aaral kung lahat naman ng bagay ay nasa akin na.

Pero sa totoo lang, hindi ko naman gusto ang lahat ng iyon ang oras at pagmamahal nila ang kailangan ko.

Kahit katiting na oras kasi ay hindi nila ako pinaglalaanan iniisip ko tuloy anak ba talaga nila ako?

Pera lang naman ang nagpapaikot ng mga buhay nila hindi manlang nila iniisip o naitatanong kung kamusta na ba ako? Masaya ba ako? Malungkot ba ako? Ano bang nararamdaman ko?

Ang mga kaibigan ko lang ang sa tingin kong tumatayong pamilya ko at tunay na nagmamahal sa akin. Nandiyan kasi sila kapag kailangan ko sila, kapag may sakit ako at kapag malungkot ako.

Dahil sa mababa kong mga grades at ang iba ay bagsak pa, alam kong magagalit na naman ang parents ko sakin pati narin ang sunod-sunuran kong kuya kaya naman na pag-isipan namin magkakaibigan na,

Mag transfer sa ibang school.

Napag isipan namin nina Cassandra, Jade, Gabriel, Antonie at Liziel na lumipat sa malayo at hindi kilalang paaralan para rin naman maka iwas sa gulo at sana ay maiayos ang magulo naming mga buhay.

At para narin balikan ang mga subject na binagsak ko. Gusto kong ayusin ang sarili ko at magbagong buhay sa bagong lugar.

Alam ko na kapag malalaman ito ng parents ko ay sigurado akong malalagot at patay talaga ako.

Ang alam nila ay doon parin ako nag aaral sa school na pinag enrollan nila sa akin.

Pero gusto ko ng magbago at itama ang lahat ng kamalian ko. Kailangan ko ng magdesisyon para sa sarili ko.

alam kong ang paaralan na papasukan ko ang makakatulong sa akin at sa mga kaibigan ko.

Walang takot akong nararamdaman sa desisyon na gagawin ko dahil nakatitiyak ako na hindi ako pababayaan ng mga matatalik kong kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~

~Cassandra POV~

Kasama ko lahat ng kaibigan ko at papunta na kami ngayon sa paaralang papasukan namin.

Excited na ang iba pero halata sa mukha ni Isabelle na nag aalala siya.

"Isa, ano ba ang problema at naka busangot ka na naman riyan????"

Tanong ko sa kanya kanina ko pa kasi siya nahahalata.

"Wala naman Cassandra, nag aalala lang kasi ako kina mommy at daddy eh alam kong mag aalala sila pag nalaman nila na nag transfer ako sa ibang school."
Sagot niya.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon