Chapter 36~ Ganti

1.4K 37 0
                                    

~Isabella POV~

Tumayo ako sa kama na kinauupuan ko.

Naglakad ako palabas ng dorm namin.

May pupuntahan ako!

"Isabelle saan ka pupunta?"
tanong ni Antonie sa akin pero hindi ko siya pinansin at agad na binilisan pa ang lakad upang hindi niya ako maabutan

"ISABELLE!"
Muling tawag niya sa akin pero hindi ko yun pinansin at patakbo ko nang pinuntahan ang lugar na pupuntahan ko.

Ilang minuto ko ding tinakbo ang daan papuntang Principal office at nang makarating ako sa pintuan ng Principal office may tatlong lalaki na naka mask ang agad na humarang sa daraanan ko.

"Padaanin niyo ako!" walang emosyong utos ko sa kanila

Hinila ko ang isang lalaki na malapit sa pintuan upang makapasok ako.

Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ko dahilan para lalong mainis ako.

Mabilis na kinuha ko ang patalim na tago tago ko tinutok ko yun sa leeg ng lalaki na hinila ko.

"Papadaanin niyo ako o papatayin ko tong hayop na to?" natatawa kong tanong sa dalawa pang lalaki

Swerte ko lang dahil walang hawak na armas ang mga ito.

Hindi pa rin umalis ang dalawang lalaki sa pagkakaharang nito sa tapat ng pintuan na lalong kinagalit ko.

Lalo ko pang idiniin ang patalim dahilan para magkaroon ito ng kunting sugat.

Wala paring paki-alam ang dalawang lalaking nakaharang

Hindi nila alam kung anong kaya kung gawin sa lalaking hawak hawak ko.

"Padaanin niyo ako!" nakasigaw na na utos ko

pero biglang nawala ang atensyon ko sa ginagawa ko nang biglang may isang pamilyar na boses na nagsalita.

"Bitawan mo siya!" walang emosyong utos nito sa akin

Napatingin ako sa may ari ng boses na yun. Nadurog ang puso ko ng makita ko kung sino ang may ari ng boses na yun.

Agad na nabitawan ko ang lalaking hawak ko. Nabitawan ko rin ang hawak kong patalim mabilis na kumilos ang tatlo at agad na kinuha nila ang patalim na nahulog at hinila ako.

Nahawakan nila ako. Mahigpit na hinawakan ng dalawang lalaki ang braso ko.

Unti unting lumapit si Devon sa akin at agad na kinuha ang patalim na hawak hawak ng isang lalaki.

"Akin na!" utos nito sa lalaking may hawak ng patalim

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Devon. Agad na inayos ko ang mukha ko at tiningnan ko siya deretso sa mga mata niya.

Bakas sa mga mata nito ang sobrang lungkot.

"Hindi ka pa nakontento at talagang bumalik ka pa dito!" wala paring emosyong sabi niya

Hindi ako sumagot at isang napakalungkot na mga mata ang ipinakita ko sa kanya.

"Ano pang hinihintay mo Devon! Patayin mo na ako! Sige na!" malakas ang loob na utos ko rito

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon