~Devon POV~
Pagod na pagod na ako! Kailan ba sila mauubos?
Nasa ganon akong pag-iisip ng mapansin ko si Antonie habang titig na titig sa mga kamay nito!
Nakita ko na may susugod sa kanya habang may hawak hawak itong patalim.
"Antonie! Sa likod mo!" malakas na sigaw ko
Napansin naman niya yun at agad na natuon ang atensyon sa likuran.
Nagmamadali itong pinulot ang patalim na nahulog at saka mabilis na tinarak sa tiyan ng lalaki ang patalim. Mabilis na napahiga ang lalaki.
Ilang segundo siyang nakaluhod habang titig na titig ulit sa mga palad nito.
Hindi siguro nito matanggap na nakapatay siya! Kung hindi namin ito gagawin kami ang papatayin nila.
Inalis ko ang atensyon sa kanya at natuon ito sa lalaking sumusugod sa akin.
Isang malakas na suntok ang ginawa nito. Mabilis ko naman iyong inilagan.
Nang aakma ulit itong susuntok ay nagkaroon ako ng pagkakataong maisaksak sa kanya ang hawak kong patalim. Mabilis itong natumba.
Napansin ko na lumapit sa akin si Antonie.
"May plano na ako kung paano tayo makakatakas dito!" nakangiti nitong sabi habang habol ang hininga dahil sa sobrang hingal
"Paano?" naguguluhang tanong ko sa kanya
Pero hindi niya ako sinagot at malakas niya akong tinulak dahilan para mapaupo ako malayo sa kanya.
Mabilis itong tumakbo palapit sa mga sumusugod ulit na mga bantay. Pinigilan niya ang mga itong makalapit sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. Isang malakas na pagsabog at sunod sunod na putok ang narinig ko matapos niyang gawin yun.
Dahil sa makapal na usok na gawa ng pagsabog ay wala na akong makita.
May biglang humigit sa kamay ko dahilan para sumama ako sa kanya.
Hanggang sa unti unti nang nawala ang usok na humaharang sa aking paningin.
Unti unti kong idinilat ang aking mga mata.
"Exikiel?" naguguluhan kong banggit sa pangalan ni Exikiel
"Nasaan si Antonie?" maowtoridad na tanong ko sa kanya
Isang anino ang natatanaw ko sa kaninang dinaanan namin. Kanina nga ay napuno yun ng usok pero unti unti ring nawawala.
"Antonie?" nakangiting tawag ko dito
Bigla iyong natumba mabilis ko itong nilapitan. Patakbo ko nga itong nilapitan.
"Antonie?" nag aalalang tawag ko sa pangalan nito
Nang makalapit nga ako ay ganon nalang ang pagkadismaya ko ng makitang si Antonie nga ito.
Nakahiga siya habang hawak hawak ang dibdib nito. Marami itong tama ng bala.
"Anong kalukuhan ang ginawa mo Antonie?" galit at nag aalalang tanong ko sa kanya
Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
Mabilis kong binuhat ang ulo nito at pinatong sa hita ko.
"Antonie? Ano kaba naman! Hindi ba't sinabi ko sayo na kaya natin silang matalo lahat! Bakit mo tinaya ang sarili mo upang mapatay mo sila!" naiinis na tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...