Chapter 7~ Cassandra

2.8K 92 1
                                    

~Devon POV~

Nandito ako ngayon sa court nandito rin ang lahat ng mga estudyante.

Alam ko na kung bakit kami nandito.

May nakita akong isang napakalaking kulungan kung saan ipapasok ang mga estudyante na walang nakuhang susi mukhang isang napakalaking pugon ito ngunit sarado at hindi mo makikita ang loob.

Sa tingin ko ay susunugin ng buhay ang mga estudyanteng walang susi.

wala na akong magagawa tungkol dito hindi ko kaya si Red.

MAHINA AKO!

Kahit na labag sa kalooban ko ay wala talaga akong magagawa dahil alam kong mapapahamak ako pati narin ang iba pang mga estudyante. Dahil kung lalaban ako lahat kami ay mamatay hindi ko pa kaya sa ngayon at wala pa akong kalaban laban.

~~~~~~~~~~~~~~~

~Before Execution~

~Isabella POV~

Gumuho ang mundo namin ng malaman  na kasama si Cassandra sa mga estudyante na walang mga susi hindi maaaring mawala at mapahamak si Cassandra hindi ako makakapayag nandiyan siya noong mga panahong nahihirapan ako mga panahong lugmok ako at mga panahong kailangan ko ng karamay at kapatid hindi ako papayag na hanggang dito lang siya kailangan kong gumawa ng paraan.

Kaya pumunta ako kay Devon para  humingi ng tulong.

Habang naglalakad ako ay nangangatog ang mga tuhod ko at ano mang oras ay bibigay ito pero nilakasan ko ang loob ko para magawa ang lahat ng makakaya ko upang mailigtas si Cassandra.

Mamaya tiyak na sisimulan na ang parusa para sa kanila pero hindi ito parusa kundi kabaliwan, papatayin sila dahil sa wala silang nakuhang susi.

Ilang minuto din ang nilakad ko bago narating ang kinaroroonan ng dorm ni Devon alam ko na matutulungan niya ako tungkol dito.

Lalakasan ko ang loob ko, kakapalan ko ang mukha ko...

Nang narating ko nga ang harapan ng pintuan ng dorm nito ay kumatok ako.

Ilang saglit nga....

ay bumukas ang pinto

Hinarap agad ako ni Devon magulo ang buhok nito halata na bagong gising lang ito naka white sando at blue pajama siya kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan.

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na tanong niya

"Devon pwede ba tayong magusap?"
nanginginig ang boses na tanong ko

Tumungo ito at marahang binuksan ang pinto

"Pasok ka!"sabi niya sa akin

pumasok naman ako

"maupo ka muna" utos niya kaya naupo naman ako

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin

"Pasensiya kana pero kailangan ko kasi ang tulong mo.
Devon tulungan mo naman ako. Tungkol sa kaibigan kong si Cassandra baka pwede mong kausapin ang ate mo! wala kasi siyang susi hindi siya pwedeng mamatay Devon please tulungan mo ako." pagmamakaawa ko dito.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon