Chapter 65~ Wala na siya!

1.7K 28 0
                                    

~Devon POV~

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata mula sa pagkakapikit.

Wala akong ibang makita kung hindi puting paligid.

"Nasaan ako?" bulong na tanong ko sa sarili

May mga nakakabit ding mga kung ano anong aparato sa akin.

Hihilahin ko na sana ang isa sa mga ito ng may biglang nagsalita.

"Tsk tsk tsk! Huwag mong gagawin yan! Sa tingin mo pag inalis mo yan ay matutuwa siya?" nakasimangot na tanong ng isang pamilyar na boses

"Exikiel?" mahinang tawag ko sa pangalan niya

"Nasaan si Isabella? Isabella? Isabella? Lumabas ka! Halika na rito!" masayang tawag ko kay Isabella

Bigla na lang sumama ang mukha ni Exikiel na akala mo'y may mali sa tanong ko at sa mga sinabi ko.

"Patawad Devon, pero wala na siya. Wala na si Isabella! tatlong araw ka ng tulog kaya kaya.." hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla nalang akong napahagulgol

"Kasalanan ko ito! kasalanan ko kung bakit wala na siya!" patuloy paring paninisi ko sa aking sarili

Agad naman siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Patawarin mo sana ako Devon, ginawa ko naman ang lahat pero pero.." sa pagkakataon na iyon ay napaiyak na rin siya

Nawalan ng lakas ang mga braso ko at bigla na lang nanghina ang mga iyon.

"Pero bago pa siya mawalan ng hininga ay may sinabi siya sa akin, tungkol sayo!" pahabol nito at saka pinunasan ang mga luha pagtatapos niya sa kanyang pag iyak

"Ano yun?" naiiyak pa rin na tanong ko

"Mahal na mahal ka raw niya at hindi siya magtatanim ng kahit anong galit sayo. Patawarin mo sana siya sa mga pagkukulang at magkakamaling nagawa niya sayo." naiiyak na naman niyang pagpapaliwanag

Napayuko naman ako dahil sa mga narinig ko mula kay Exikiel.

"Kasalanan ko kung bakit wala na siya! Hindi ako nakinig sa mga paliwanag niya! Kung sana, nagtiwala ako sa kanya eh di sana buhay pa siya, Exikiel, buhay pa siya! Kasalanan kong lahat to! Walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako!" histirikal na sagot ko kay Exikiel

Sunod sunod na patak ng mga luha ang nanggagaling sa aking mga mata.

Hindi ko na kayang maging malakas. Wala na si Isabella, dapat mawala narin ako. Dapat mamatay narin ako!

Wala na akong magagawa pa. Ngunit isa lang ngayon ang kaya kong gawin ang umiyak at huwag pigilan ang mga luhang patuloy paring pumapatak mula sa aking mga mata.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon