Chapter 35~ Balewala

1.4K 42 0
                                    

~Someone POV~

"Ano? Sa susunod marunong kang sumunod!" galit na galit na sigaw ni Devon sa lalaking kaharap niya

Agad na hinila nito ang kwelyo ng lalaki palapit sa kanya.

"You don't know me!" galit na bulong nito sa lalaki

Takot na takot niyang tinignan si Devon

Binitiwan niya ang kwelyo ng lalaki dahilan upang matumba ito at mapahiga ng tuluyan.

"Get lost!" sigaw nito habang pinapagpag ang mga kamay

Kumaripas naman ng takbo ang lalaki.

Nakangiti kong tiningnan si Devon sa wakas bumalik na ang dating Devon na nakilala ko.

Nakakatakot siya. Nakakatakot ang awra niya. Nakatakot ang matalim niyang mga tingin, ang magulo niyang buhok at ang maamo niyang mukha na naging gutom na lobo ulit.

I like it! Gustong gusto ko ang ganitong presensya niya. Ang ganitong awra niya ang pinakahihintay ko.

Ang sayang tignan at panoorin ng mga eksena habang naka upo ako sa taas ng puno. Kitang kita ko ang emosyong mayroon ngayon si Devon.

Para akong nanonood ng horror movie.

Agad na bumaba ako mula sa puno na kinatataguan ko.

"Nakakatakot ka!" sarkastiko kong sabi habang nakangiti pa sa kanya

Humarap ito sa akin at walang emosyon niya akong tinignan. Bumakas sa mukha ko ang isang ngiting nakakapang insulto.

"Siguro alam mo na! Bakit hindi mo pa siya pinatay?" natatawa kong tanong sa kanya

Nagulat na lang ako ng mabilis siyang kumilos palapit sa akin at agad na hinawakan niya ang baba ko.

"Huwag na huwag mo akong papangaralan!" galit na galit na utos nito sa akin

Natatawa ko siyang tinignan

"Bakit ba mahal na mahal mo ang babaeng yun? Kahit na alam mong siya ang pumatay sa mom mo!" galit ring tanong ko sa kanya

Inis na inis niyang binitawan ang pagkakahak niya sa baba ko. Dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo.

Tinalikuran niya ako

"You know what? Pinagmukha ka niyang tanga." pahabol kong saad sa kanya

"Shut up!" inis na inis na sigaw niya

Nakangiti pa rin ako para matakpan ang totoong emosyon ko.

"Bakit ba hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko sayo?"
hindi ko na napigilan at tuluyan na talaga akong napaiyak.

Pero walang sagot akong narinig sa kanya.

"Gusto mo ba talagang malaman?"
walang emosyong niyang tanong sa akin

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon