Chapter 31~Guro

1.4K 36 0
                                    

~Isabella POV~

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa Mega bass na nasa court ng paaralan.

"Magandang umaga, Demon Students! Inaasahan ko na lahat ng mga estudyante ay lumabas at pumunta sa field. Sabay sabay nating panuorin ang isang napakagandang palabas na inihanda ko para sa inyong lahat." masayang turan ng nagsasalita

Agad na lumabas ako sa kwarto. Nakita ko si Devon na pupungas ngungas na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Magkahiwalay kasi kaming natutulog. Ako sa kwarto niya samantala siya ay sa sofa.

"Devon? Anong nangyayari?" naguguluhan kong bungad na tanong sa kanya

"Hindi ko alam. Mas mabuti kung lumabas tayo para malaman natin kung ano ang nangyayari sa labas." nakasimangot na sagot nito

Agad na hinawakan nito ang kanang kamay ko at sabay kaming lumabas at naglakad patungong court ng paaralan.

Nang marating na nga namin ang court ng paaralan ay ganon nalang ang panlalaki ng mga mata namin ng makita ang lahat ng mga teachers ng Demon Academy.

Nakalambitin sila sa taas at lahat sila ay nakatiwarik.

Itinali ang mga paa nila ng napakakapal na lubid nakatiwarik sila at halos magsama na ang dugo at luha na patuloy na umaagos galing sa mga paa ng mga ito hanggang sa mga mukha nila.

Nakatali ang mga kamay nila ng vibe wire dahilan para lumaylay ito. Maraming pasa ang mga mukha at katawan nila.

Nakakaawa ang lagay ng isang teacher, hindi ko alam ang pangalan nito pero pamilyar ang mukha nito sa akin lagi ko siyang nakikita at nakakasalubong sa hallway ng paaralan.

Tinahi ang mga mata nito, putol ang kaliwang braso at kitang kita ang dumaloy na dugo mula roon, patuloy pa rin ang umaagos na dugo mula roon.

Malakas na iyakan ang sumunod na narinig ko. Nawala ang atensyon ko sa mga teachers dahil na tuon ito sa isang malakas na tunog na nanggagaling sa isang malaking chainsaw.

Kitang kita ang napakalaking chainsaw na papalapit ng papalapit sa mga ulo nila. Napakalaki nga ng chainsaw, diretso at nakapahiga itong nakatapat sa mga ulo nila. Nasa bandang kaliwa ito at kapag umandar na nga ito ay mapupugot isa isa ang mga ulo nila.

Naitakip ko nalang sa bibig ko ang mga palad ko. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin parin sa kanila at pinagmamasdan ang papalapit paring matalas na chainsaw. Mabilis itong umiikot.

Naawa ako sa kalagayan ni Ma'am Ana ang teacher namin sa subject na Math.

Naiyak ako sa kalagayan nila.

Paano nagagawa ito ni Red?

Halos pag-ungol at pag-iyak ang maririnig sa buong paligid.

Unti-unti ngang lumapit ang chainsaw sa ulo ng nauna sa pila. Nasa unang linya si Ms. Ana kaya ito ang unang mapupugutan ng ulo wala itong nagawa patuloy na pumapatak ang luha niya.

Palapit ng palapit ang chainsaw

Hanggang sa...

Napapikit na lamang ako ng tuluyan ng napugot ang ulo nito. Sumirit ang sariwang dugo mula sa leeg ni Ms. Ana.

Halos ihilamos ko ang dugo na nagmumula dito. Patuloy pa rin itong umiikot ganon din ang nangyari sa iba.

Nalaglag ang ulo ni Ms. Ana mula sa taas gumulong ito sa harapan namin. Ganon din ang nangyari sa iba.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon