~Antonie POV~
Nang tuluyan na nga kaming makarating sa harapan ng Principal Office ay padabog na binuksan ni Devon ang pinto.
Halata namang nagulat si Red sa pagpasok niya.
"Bakit?" gulat na tanong ni Red pero wala itong ginawa para tumayo sa kinauupuang upuan
Hindi sumagot si Devon at tuloy tuloy lang na lumapit kay Red dahilan para gumawa na ng hakbang si Red na tumayo.
"Bakit ka nagkakaganyan Devon? Ano na naman bang problema mo?" singhal na tanong ni Red sa kanya
Naiwan akong nakatayo malapit sa pinto at pinapakinggan lang at pinapanood silang dalawa.
"Ikaw! ikaw ang problema ko bakit nagsinungaling ka sa akin?" balik na tanong ni Devon kay Red
"It's for your sake Devon! Masyado kang nagpapakatanga sa Isabella na iyan! Kahit na alam mo nang siya ang pumatay kay mom! Mahal mo pa rin ba siya? Punyetang pag-ibig yan!" galit na sagot ni Red
"Mahal ko siya at hindi na magbabago yun!" ngayon ay mas lalong nagalit si Devon kay Red
"Totoo bang, pinatay ni mom and dad ang parents niya?" galit na kompronta ni Devon kay Red
Ngumiti naman si Red ng marinig ang tanong ni Devon
"Mukhang alam mo na!" masayang tanong nito kay Devon
"Alam ang ano? So totoo? Totoong pinatay ni Mom and Dad ang parents nila?" naiiyak na tanong ni Devon
"Oo! Ginawa nila yun para mabigyan ka ng magandang buhay. Devon, kung hindi nila pinatay ang mga magulang ni Isabella hindi mo mararating ang buhay na mayroon ka ngayon!" natatawang sagot ni Red
"So totoo nga! Totoo nga! Niloko mo ako!" kita ang galit sa mukha ni Devon habang sinasabi nito ang mga katagang yun
"Devon, kung walang nagpaloko walang manloloko!" malakas ang tawang sagot ni Red kay Devon
"Tayo ang totoong may kasalanan! Tayo ang totoong nakaagrabyado sa kanila! Bakit ba hindi ko inalam ang totoo?" naiiyak na tanong ni Devon sa sarili
Animo'y nababaliw na ito dahil sa inaastang pagkausap sa sarili.
"Buong akala ko totoo lahat ng sinasabi mo! Nagkamali ako! Hayop ka! Huwag mong sasaktan si Isabella!" galit na banta ulit ni Devon kay Red
Lalapitan niya na sana si Red pero agad na humarang ang apat na lalaking naka mask upang protektahan si Red.
"Hindi mo ako kaya Devon! Kaya dapat sumunod ka na lang kayo dalawa ng duwag mong kasama. Dahil wala rin naman kayong magagawa!" humahalakhak na saad ni Red
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...