Chapter 18~ Totoong Pagkatao

1.9K 51 2
                                    

~Isabella POV~

Nagising ako

Napakadilim ng paligid. Kinapkap ko ang paligid ko para makatayo.

Napakadilim! wala ni isang nakasinding ilaw

"Nasaan ka ba Devon?" bulong ko sa sarili ko

Wala akong makita kundi halos kadiliman, parang hindi ko kakayaning makatayo dahil sa sobrang dilim ng paligid.

kaya napagdesisyonan ko nalang na umupo at isandal ang likuran sa rehas ng aking pinagkakakulungan.

Hindi ko na malayan na nakatulog pala ulit ako.

Nagising na lamang ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Isabella!"

"Isabella!"

Dahilan upang maimulat ko ang mga mata ko.

Nakita ko nga si Devon, nakangiti ito sa akin.

Agad na umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Isabella, kumain kana dinalhan kita ng almusal mo." malumanay niyang panghihikayat

"Hindi ako nagugutom." sagot ko sa kanya

Ng biglang.....

Crooookkkk.....

Malakas na tunog ng tiyan ko wala talagang pakisama.

Bahagya namang natawa ito dahil sa narinig kaya naman nakakunot noo ko siyang tinignan.

"Sige na Isabella, kumain kana para may lakas kanang lumaban sa akin."
pang iinsulto niya

"Ayoko baka mamaya nilagyan mo yan ng lason" pagtanggi ko

Kaya naman sumubo siya ng kaunti sa pagkain na inaalok niya sa akin para patunayan na walang lason ang inaalok nito.

"Kitam! kung may lason to di nangisay ngisay at bumula na ang bibig ko!"
nakangiti nitong pagpapaliwanag

Ngayon nga ay nakatingin narin ako sa kanya. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Agad na namangha kasi ako sa kagwapuhan nitong taglay.

Makinis na mukha, makakapal na kilay, mapungay na mga mata, matipong pangangatawan at magandang labi.

Agad na napalunok ako ng makita ng malapitan ang maganda nitong labi.

Hindi ko nga maiwasang hindi isipin ang pagdampi nito sa aking labi noong una naming pagkikita.

Hindi ko maipaliwanag ang kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan ng mga oras na yun.

Kung titignan mo ngang mabuti napakaperpekto ng pisikal na anyo nito.

Hindi ko siya kayang laitin o mag isip ng kahit anong negatibo sa anyo nito.

Agad na nagreklamo ulit ang aking sikmura dahilan upang bumalik nga muli ang atensyon ko sa pagkaing inaalok sa akin ni Devon.

Tatayo na sana ako para abutin ang pagkain na inaalok niya ng biglang sumakit ang ulo ko.

At

Biglang na namang dumilim ang paligid.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon