Chapter 30~ Dilim

1.6K 43 0
                                    

~Antonie POV~

Naglalakad ako pabalik sa dorm ko inaaliw ko nga ang sarili ko. Hindi pa kasi maproseso ng utak ko ang sinabi ni Isabella kagabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung dapat ba akong matuwa o magalit kay Isabella. Hindi ako makapaniwalang sinagot niya na at nobyo na nito si Devon.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Kailangan ko ulit siyang makausap. Kailangan ko siyang maintindihan.

Sobrang nasaktan nga ako sa mga sinabi niya sa akin kaya mabilis akong tumakbo at lumayo upang hindi ako makapagbitaw ng anumang masasakit na salita sa kanya.

Habang naglalakad nga ako wala ako halos makitang mga estudyanteng naglalakad sa hallway o corridor.

Hindi nga nagtagal ay narating ko na ang dorm namin agad na binuksan ko ang pinto.

Bigla nga akong napaatras ng may sumuntok sa sikmura ko. Isang lalaking naka mask ang may gawa nun. Agad na napahiga ako ng sinuntok niya ako ulit ng tatlong beses sa aking sikmura.

Isang malakas pa na tadyak ang natamo ko, tumama ito sa tiyan ko.

"Pare, akin na yang hawak mo!" utos nito sa kasamang may hawak na malaking pamalo

Nanlaki nga ang mga mata ko ng makita ko yun. Tiyak na mawawala ang ulirat ko kapag pinalo yun sa ulo ko.

Ng tuluyan ngang lumingon ang lalaki upang abutin ang pamalo ay agad ko itong sinipa diretso sa pagkalalaki nito.

"Aray!" malakas na sigaw nito

"Pare, hawakan niyo!" nagmamadaling utos niya sa dalawa niyang kasama

Tatayo pa sana ako at tatakbo pero isang malakas na hampas sa likod ang muling nagpahiga sa akin.

"Hayop ka! Papatayin mo pa ata ako!" nanggigigil na saad ng lalaki sa akin

Malakas na sabunot ang sumunod na naramdaman ko.

"Pare, hayaan mo na baka mapatay mo pa yan. Baka tayo naman ang patayin ni Boss!" nag aalangang saway ng kasama nito

"Pasalamat ka kung hindi ka namin kailangan baka kanina ka pa nawalan ng hininga!" nakasabunot sa pahabol ng lalaking nasipa ko

"Sige, itali yan!" utos niya sa mga kasama

"Sino ang may utos nito? Sino kayo?" malakas ang loob na tanong ko sa mga lalaking nasa harapan ko

Ng tuluyan na nga nila akong matalian at patayuin muling lumapit ang lalaking kaninang galit na galit sa akin. Mahina niyang sinampal ng apat na beses ang kaliwang pisngi ko.

"Malalaman mo rin!" sagot nito sabay tawa ng malakas

"Sige, dalhin na yan!" muling utos nito sa mga kasama

Pero bago nila ako tuluyang kaladkarin ay piniringan muna nila ako. Hindi ko alam kong bakit nila tinakpan ang mga mata ko. Hindi ko tuloy makita ang dinaraanan namin.

Ilang minuto nga nila akong kinaladkad hanggang sa magsalita ang isa sa tatlong mga lalaking kasama ko.

"Nandito na tayo. Sige ipasok na yan sa kwarto para makita na ni boss!" masayang sabi nito

Naglakad nga ulit kami hanggang sa huminto muli kami.

"Pasok!" sigaw ng lalaki

matapos niya yung sabihin ay parang basura niya akong tinulak. Hindi ko nga makita ang paligid nakatali kasi ang mga kamay ko at may piring pa ang mga mata.

"Upo!" muling utos niya sabay hila sa akin upang makaupo sa upuang gawa sa kahoy. Ramdam na ramdam ko nga ito dahil sa nakapa kong tekstura nito.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon