Chapter 26~ Sarili

1.6K 33 0
                                    

~ Isabella POV~

Mula sa pagkakayakap ko sa likuran niya ay unti unti kong tinanggal ang pagkakayapos ko dito.

Unti unti siyang humarap at muli akong niyakap.

"Ikaw nalang ang meron ako, sana huwag mo na akong iiwan." basag na boses na sabi niya

Isang tungo nga lang ang naisagot ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinigit ako papalayo sa puntod ng nanay niya at umupo kami sa ilalim ng puno malapit doon.

Isinandal niya ang ulo niya sa puno at tumingin sa akin.

Bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan.

Pinahid ko ang mga luhang unti unting pumapatak galing sa mga mata niya.

Inalis niya ang tingin sa akin, pumikit ito habang tuloy tuloy na pumapatak ang mga luha niya.

Hindi na yata talaga maibabalik ang dati naming pagsasama.

Yung saya na nararamdaman namin habang kasama ang isat-isa.

Tandang tanda ko pa noong naghabulan kami at masayang nagtatawanan habang umuulan. Ang saya saya gusto ko sana muli itong maramdaman.

Noong mga panahong mahal na mahal pa namin ang isat-isa.

Gusto ko yung ibalik. Gusto kong maramdaman muli ang ganoong pakiramdam.

Naiinis ako sa sarili ko dahil magnanakaw ako.

Ninakaw ko ang mga sandaling sana ay masaya kaming magkasama.

Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa akin at hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at mariin na ipinikit ko ang mga mata ko.

Hanggang sa makarinig ako ng kakaibang tunog na sa panaginip lang maririnig.

Nagising ako dahil sa malamig na hanging dumampi sa aking pisngi.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko nakatulog pala ako.

dali dali kong iniangat ang ulo ko napansin kong wala na si Devon sa tabi ko. Nakasandal na ako ngayon sa puno.

Nilibot ng paningin ko ang buong paligid pero wala talaga siya.

Agad agad akong tumayo at nilibot ulit ang paningin ko pero wala talaga siya.

Unti unti akong naglakad.

Ng

"Huli ka!" sigaw nito

At may biglang bumuhat sa akin mula sa likuran ko.

Ibinaba naman niya ako pagkatapos.

Tiningnan ko siya, nakangiti na siya sa akin.

Ang mga ngiti niya na ngayon ko lang ulit nakita.

"Devon?" nakangiti ko siyang niyakap

Napakasaya ng puso ko na makita siyang masaya.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya diretso sa kanyang mga mata.

"Isabella, gusto kita! Gusto kitang makasama habang buhay." nakangiting sabi niya sa akin

Ang ganda ganda ng mga mata niya ang ganda ganda ng mga ngiti niya.

Agad na hinaplos ko ang kanang mukha niya.

Ayaw ko ng dayain ang sarili ko.

Ayaw ko ng pahirapan ang sarili ko.

Ipaparamdam ko sa kanya na mahal ko rin siya.

Para kung dumating man ang araw na kinatatakutan ko wala na akong pagsisisihan pa.

Tinignan ko siya diretso sa mapupungay na mga mata niya.

"Ako rin naman Devon. Gusto rin kitang makasama habang buhay." nakangiti kong sagot sa kanya

Isang napakalapad na ngiti ang pinaskil nito sa kanyang mukha.

Agad na niyakap niya ako.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Isabella!" bulong na saad nito

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at agad niya akong tinignan diretso ulit sa mga mata ko.

"Gusto kong tanungin ka ulit. Isabella, will you be my girlfriend again?" kabadong tanong nito sa akin

Napahinto nga ako sa tanong niya sa akin

"Isabella?" ulit na tawag nito sa akin

Isang tungo nga ang ginawa ko na lalong nagpangiti sa kanya.

"Yes! Thank you!" masayang sagot niya at agad na niyakap ulit ako ng napakahigpit

Ilang segundo nga itong nagtagal hanggang sa nagdesisyon na akong kumawala mula rito.

"Ngayon na naaalala ko na ang lahat. Devon, sana maniwala ka sa lahat ng mga sasabihin ko! Kung may mga bagay man sa hinaharap na hindi mo ikatutuwang malaman sana ay paniwalan mo parin ako." malungkot na sabi ko sa kanya

Tumungo naman ito

"Yes, lahat ng sasabihin mo. Paniniwalan ko." nakangiting sagot niya

Hinawakan nito ang kamay ko at marahan itong hinalikan.

Bumilis nga muli ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nito.

"Wala ng makapaghihiwalay sa atin. Pangako!" nakangiting pagpapaliwanag nito sa akin

Niyakap ko siya bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

Iisipin ko muna ang sarili ko.

Iisipin ko muna ang kaligayahan ko kasama ng taong tunay na nagmamahal sa akin at minamahal ko rin.

Magiging makasarili muna ako kahit sa sandaling panahon lang.





Vote and Comment
Thank you so much!

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon