Chapter 56~ Kulungan

1.3K 25 0
                                    

~Antonie POV~

Nagtagumpay kami na makalabas sa kulungang iyon.

Hindi ko inaasahan na ganon pala ang gagawin ni Devon. Napakalakas niya at sanay na sanay makipaglaban.

Wala akong panama sa kanya! Wala ako sa lakas niya.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa paligid. Tinitignan ko nga kung may nakasunod ba sa amin.

Napansin kong hindi lang pala kami ang nakakulong. Maging ang ibang mga mag aaral ay nakakulong din.

Agad na lumapit ako sa isang kulungang nakita ko sumunod rin naman si Devon sa akin.

Isang babaeng maikli ang buhok at puro sugat ang mga kamay at paa ang bumungad sa amin.

"Shhhhh!" pagpapatahimik ni Devon sa babae

"Tulungan niyo ko parang awa niyo na!" natatakot na pagmamakaawa ng babae

Isang tungo nalang ang isinagot ko. Ganon din ang ginawa ni Devon.

"Huwag kang matakot kay Devon! Kakampi natin siya." mahinang bulong ko sa babae

Tumungo lang ito habang nakatingin sa amin ni Devon.

Agad na nilibot ng paningin namin ang paligid umaasang mayroon kaming makitang matigas na bagay na maaaring ihampas sa kandado.

Isang bakal sa malapit ang nakita ko kaya agad akong tumakbo papunta roon. Walang bantay na nagbabantay sa kanila kaya pwede naman sigurong mag ingay.

Mabilis na naglakad ako palapit sa kulungan. Umatras naman ng kaunti si Devon.

Isang napakalakas na hampas ang ginawa ko pero hindi manlang tumalab ang paghampas ko.

Isa pa ulit..

Wala paring nangyari!

Dalawang hampas

Tatlong hampas

Apat na hampas

"Ang hina mo naman! Akin na nga!" nakasimangot na sabi ni Devon mabilis ko namang ibinigay sa kanya ang bakal na hawak ko

Hinampas niya ng buong lakas ang kandado. Biglang nanlaki ang mata ko dahil nasira ito.

"Paano? Paano? Paano nangyari yun?" nagtatakang tanong ko sa kanya

Ngunit isang nakakainsultong ngiti lang ang sinagot niya sa tanong ko.

Binuksan ko ang pinto at nakangiting tiningnan ang babaeng kaninang nakakulong.

Pero..

Pero..



Agad na napaatras ako! Anong nangyari?

Naguguluhang tanong ko?

Patay na siya!

Agad na hinigit ni Devon ang kamay ko.

"Takbo! patibong ito!" sigaw ni Devon

Kaya walang ano anoy tumakbo din ako.

Napahinto kami ng may mga bantay ni Red ang humarang sa harapan namin.

"Shit!" gigil na bulong ni Devon

Lumingon ako nagbabakasakaling may tatakbuhan pa kami.

"Antonie sa kanan!" nagmamadaling tumakbo kami sa kanan

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon