Chapter 46~ Laruan

1.4K 41 1
                                    

~Someone POV~

Bakit kahit anong gawin ni Isabella patuloy pa rin siyang nililigtas ni Devon?

Hindi ko siya maintindihan?

Nandito ako palagi sa tabi niya! Ako ang handang ibigay ang lahat lahat sa kanya! Bakit hindi niya makita yun?

Tiyak ako na gagawa ito ng paraan para iligtas si Isabella. Kaya pilit niyang kinuha ito kay Antonie.

Mabilis ko nga siyang sinundan ng makalabas na ito sa court.

Dinala niya si Isabella sa dorm nito.

Inihiga niya ito sa kama nito.

"Devon? Anong ginagawa mo?" iritadong tanong ko sa kanya

"Pwede ba! Huwag ngayon!" inis na sagot nito sa akin

Mabilis niya akong tinulak palabas ng kwarto niya.

"Get out!" mabilis niya akong pinagtulakan palabas ng kwarto nito

Nang makalabas ako ay mabilis nitong sinara ang pinto.

"Devon? Ano ba buksan mo ang pinto!"  gigil na sigaw ko habang malakas na kinakatok ang pinto

Bwesit talaga yang Isabella na yan!

Bakit hindi pa siya tuluyang namatay?

"Devon! Buksan mo ang pinto!" galit paring sigaw ko

Inis na inis kong pinaghahampas ang pinto.

Hindi niya talaga binuksan ang pinto.

Wala akong nagawa kung hindi ang maghintay sa paglabas nito.

Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay itong lumabas.

Ilang oras ko din siyang hinintay.

Hindi ko nga alam ang gagawin ko. Minsan ay tatayo, minsan ay uupo, minsan ay nagpapapadyak ng paa ko.

Ano bang balak ni Devon sa kanya?

Nakaupo nga ako ng biglang bumukas ang pinto. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Devon? Bakit ha?" inis na tanong ko dito

Mahigpit nga nitong hinawakan ang braso ko.

"Manahimik ka!" matigas na pagbabanta nito sa akin

"Pwede ba, Devon, nasasaktan ako!" nasasaktang saway ko sa kanya

"Bakit hindi mo kayang kalimutan si Isabella? Bakit?" malungkot na tanong ko habang nakatingin sa kanya

"Anong balak mo sa kanya?" galit na tanong ko ulit sa kanya

Mas lalong humigpit ang hawak nito sa braso ko.

"Huwag mo akong tanungin ng ganyan!" galit na saway nito sa akin

"Anong tingin mo sa akin laruan mo? Laruan mo lang kapag nalulungkot ka?" galit na sigaw ko sa kanya

"Hindi ba't ikaw naman ang may gusto na gawin kang laruan!" inis na sagot nito

Pagkatapos nito ay malakas niyang binitawan ang braso ko dahilan upang mawalan ako ng balanse at matumba.

"Huwag mong sabihing babalikan mo na naman siya?" inis na tanong ko sa kanya habang nakaupo

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon