~Liziel POV~Hindi ko na ata kaya, gusto ko ng mamatay nahihirapan na talaga ako.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at halos masuka nga ako dahil sa sobrang sangsang ng amoy kahit wala namang laman ang sikmura ko.
Ilang araw din simula noong namatay ang apat na estudyante at nagsisimula naring mamaho at mabulok ang mga katawan nila.
Ang dalawang estudyante naman na naunang namatay ay inuuod na at parami ng parami ang mga ito.
Naglalaglagan na ang mga puting uod sa katawan nilang dalawa.
Nakakasuka...
Nakakabaliw...
Nakakapagod...
Nakakapanghina....
Yan ang mga nararamdaman ko ngayon.
Unti unti ng bumibigay ang katawan ko, nahihilo na ako at nanlalabo na ang mga paningin ko.
Sana bawian na ako ng buhay para hindi ko na maramdaman ang sakit at paghihirap ng mga estudyante na kasama ko.
"Diyos ko ayoko na po!"
bulong ko sa sarili ko sabay patak na naman ng luha ko.hindi ko na nararamdaman ang gutom at uhaw. manhid na ata ang katawan ko.
Hindi yan ang gusto kong maramdaman ang gusto ko makatakas na dito at huwag sapitin ang tulad ng nangyari sa mga kasama ko.
Pero wala akong magawa
Wala akong kalaban laban
Nangiti na lamang ako, siguro hindi na mangyayari iyon.
Ang mga bagay na madali kong nagagawa noon ay pangarap ko na lang ngayon.
Tulad nalang ng pagiging malaya.
Nakahiga parin ako sa malamig at basang semento. Ramdam na ramdam ko parin ang mahigpit na bagay na nakatali sa aking mga paa at kamay.
hindi ko nga magalaw ang katawan ko.
Hindi ko narin iniinda ang mga uod na lumalapit sa akin. Wala na akong paki alam sa mga ito.
Kung hindi ako makakatakas sa lugar na ito sana MAMATAY na ako.
Tanging pag iyak nalang ang sumunod na ginawa ko.
Naiyuko ko ang ulo ko at saka mariin na ipinikit ang aking mga mata.
Ng biglang may nagsalita mula sa speaker na nakakabit sa bandang taas ng pader na ikinabigla ko.
"Pagod kana ba?" nang iinsulto niyang tanong
Gusto ko man siyang pag mumurahin ngunit tanging ungol at pag iyak lang ang tanging naisagot ko sa kanya.
"Masaya ba na maramdaman na ikaw lang mag isa at walang nais tumulong sayo ha Liziel?" tanong niya sa akin
"Sa tingin mo hinahanap ka ng mga kaibigan mo? Ako na ang magsasabi sayo. HINDI! Alam mo bang masaya sila na wala ka!" galit na sabi nito
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...