~ Devon POV~
Agad na humarang ang isang lalaking may itim na saplot sa ulo.
Mabilis na nagpakawala ito ng isang napakalakas na suntok umiwas ako sa ginawa niyang suntok. Nagawa ko naman.
Dinukot ko sa aking bulsa ang patalim na aking tinatago. Hindi ko maiwasang paikutin muna ang aking hawak na patalim bago isaksak sana dito pero mabilis itong nakaiwas dahilan para mapangiti ako ng mapait at nakakainsulto.
"Tanga!" sarkastikong sabi nito
Hindi ko siya pinansin dahil alam kong paraan niya lang yun upang madistract ako.
"Kaya pala sinusuka kana ni Red, malaki ka kasing tanga!" natatawang pang iinsulto nito
Lalong umigting ang galit na nararamdaman ko isang mabilis at napakalakas na sipa ang ginawa ko at sa pagkakataon na iyon ay natamaan na siya.
Bumulagta ito sa sahig at bago pa man siya makatayo ay agad na dinaganan ko na ito at galit na galit na nilaslas ko ang leeg niya.
Napapikit na lamang ako ng may mga dugong nagtalsikan sa mukha ko.
Nilingon ko ang kaninang direksyon kung saan dumaan sina Red pero wala na sila doon.
Hayop talaga ang babaeng yun!
Tuso!
Ano kaya ang plano ni Red kay Isabella?
Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Isabella. Isinusumpa kong ako mismo ang papatay sa kanya.
Agad na tumayo ako at ganon nalang ang gulat ko ng napansin na padami na naman ng padami ang sumugod sa akin.
"Pagod na ako! Kailangan ba kayo mauubos?" seryosong tanong ko sa mahinang boses
Mabilis silang tumakbo palapit sa akin.
Ganon nalang ang pasasalamat ko ng unti unti na naman silang nalalagas ng magpakawala na naman ang misteryosong lalaki ng kanyang pana.
Isang malakas na suntok ang natanggap ko mula sa aking likuran.
Kaya humarap ako sa aking likuran upang makilala ko kung sino ang may kagagawan nun.
Mabilis akong kumilos at agad na sinaksak ko ang taong may kagagawan nun.
Pagod na ako!
Hindi ko na kaya!
Naipikit ko nalang ang mga mata ko.
Agad na nag flash back sa akin ang mukha ni Isabella. Ang maamo at masaya niyang mukha. Ang matatamis niyang ngiti.
Agad na nag alab ang apoy na meron ako ng makita ko ang mga ngiti niya.
Mga ngiti niyang nakakapawi ng pagod.
Agad na idinilat ko ang aking mga mata at mabilis at walang habas kong pinag sasaksak ang mga taong nasa paligid ko.
Wala akong paki alam sa buhay na meron sila.
Minsan na akong nagpaubaya at nag bigay ng lahat lahat ng meron ako!
Ngayon ako naman ang magiging makasarili. Iisipin ko rin ngayon ang sarili ko. Ang kaligayahan ko at kapakanan ko!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~Exikiel POV~
Pinagmamasdan ko si Devon habang pinapaulanan ko ng bala ang mga tauhan ni Red gamit ang aking pana.
Naaawa ako sa kanya pagod na pagod na siya!
Hindi pa rin maubos ang mga tauhan ni Red na patuloy na sumusugod sa kanya. Kitang kita sa mukha ni Devon ang matinding pagod na nararamdaman.
Agad siyang napahinto na kinagulat ko mariin nitong ipinikit ang mga mata.
Mabilis na napatayo ako sa kinauupuang sanga ng puno.
"Devon!" nag aalalang tawag ko sa pangalan nito
"Devon! Please lumaban ka! Huwag ngayon!" nag aalalang bulong ko sa sarili
Ganon na lang ang pagkawala ng pagkataranta at pagkabahala ko ng isang nakakatakot na awra ang pinakita niya ng mag mulat muli siya ng kanyang mga mata.
Mabilis na pinagsasaksak niya ang mga bantay ni Red na umaatake sa kanya gamit lamang ang maliit nitong patalim.
Hindi ko maiwasang kalabitin ang pana ko upang tulungan siya.
Patuloy siya sa paglakad at hindi pinapansin ang mga taong nasa harapan niya.
Kailangan namin ng mga katulong upang mas matalo si Red, pero wala na ata talagang mga estudyante kaming mahihingan ng tulong dahil bigla na lamang silang nawala na parang bula.
Hindi ko napansin na nawala na pala sa paningin ko si Devon.
"Nasaan na siya?" nag aalalang naisatinig ko nalang
Nilibot ng paningin ko ang buong paligid pero wala na talaga siya.
Nalingat lang ako. Nawala na agad siya. Nasaan na si Devon?
Halos mga nakahandusay na ang mga tauhan ni Red. Wala na itong mga buhay at halos lahat ay nagilitan ng leeg.
Biglang nawala ang pag-aalala ko ng maisip ko na alam ko na kung nasaan siya.
"Napakatigas talaga ng ulo mo Devon!" inis na sabi ko sa sarili
Baka mapahamak siya?
Baka tuluyan na siyang patayin ni Red?
Hindi pwedeng mangyayari yun!
Agad na tumalon ako sa punong kinaroroonan ko at patakbong sumugod sa lugar kung saan patungo si Devon.
Vote and Comment!
Thank you so much!
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...