~ Isabella POV~
Ayon kay Red, Fifty students ang papatayin nila sa laro na inihanda nito.
Marami pa kami. Pwede kaming magtulungan. Kailangan na naming gumawa ng hakbang para makatakas sa lugar na ito bago kami mawalan ng oras at pag-asa.
Agad na hinanap ko si Devon para sabihin sa kanya ang mga plano ko. Pero hindi ko siya makita. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
Saan kaya nagpunta si Devon?
Lumabas ako ng dorm at agad na hinanap ito sa labas. Sa paglalakad ko nga ay narating ko ang court ng Demon Academy. Nilibot ng paningin ko ang buong paligid ang dating maingay at naparaming estudyante ngayon ay parang bakanteng lugar na animo'y walang gustong umapak man lamang.
Agad na naglakad ako papunta sa field hanggang sa nakarating na ako harapan ng Principal office.
Hindi na ako kumatok agad na pinihit ko ang door knob.
Agad na nakita ko si Devon kausap nito si Red
Bakit nandito si Devon? Agad na umigting ang kaba na nararamdaman ko!
Hindi kaya alam na niya ang lahat?
Sinabi na ba sa kanya ni Red ang lahat?
Nakuha ko ang atensyon nilang dalawa
Unti unti akong naglakad papasok, agad naman akong hinila ni Devon papalapit sa kanya.
"Ate! tumigil kana marami ng nadadamay dahil sa kabaliwan mo."
galit na sigaw ni DevonMukhang nag aaway silang dalawa at tiyak ako na nagpunta si Devon dito upang kausapin si Red.
Pansamantalang nawala ang kaba na nararamdaman ko.
"Ako pa ang baliw? Devon, naririnig mo ba ang sarili mo? Sino kaya ang mas baliw sa ating dalawa?
Pinoprotektahan mo ang babaeng yan!
Hindi mo lubos kilala ang babaeng yan!" inis din na sagot ni Red"Mahal ko si Isabella bakit ba pilit ninyo kaming pinaglalayo?"
naguguluhang tanong ni DevonMuling bumalik at domoble ang kabang nararamdaman ko.
"Dahil ang walang hiyang babaeng yan ang pumatay kay mom!" galit na galit na diretsahang sagot ni Red
Dahilan upang bitiwan ni Devon ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Unti unting humarap sa akin si Devon. Sobra ang kaba at kahihiyan ang naramdaman ko. Gusto ko nalang tumakbo o mawalan ng malay o di naman kaya ay lamunin na lang ng lupa na kinatatayuan ko.
"Anong sinasabi ni Red? Tama ba ang narinig ko? You killed my Mom?" mahinahon na tanong nito sa akin
Nag unahang pumatak ang mga luha ko hindi ko ito mapigilan. Kusa silang kumakawala sa mga mata ko.
"Please, Isabella sagutin mo ang tanong ko! Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi ni Red.. na nagkakamali lang siya at dahilan niya yun para paghiwalayin ulit tayo!"
histirikal na pagmamaka awa ni Devon sa akin habang hawak hawak pa ang dalawang braso ko
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...