Chapter 13~ Pag-amin

2.1K 55 0
                                    


~Isabella POV~

Sana hindi na ako nagtiwala sa kanya akala ko iba siya sa kapatid niya.

Iba siya kay Red..

Paulit ulit na paninisi ko sa sarili ko.

Nang magising nga ulit ako ay walang nagbago sa lugar na kinaroroonan ko.

Nandito parin ako sa hawlang pinagkulungan sa akin.

Naupo ako sa gilid ng hawla. Walang lakas akong sumandal doon.

napatunganga nga ako sa pader na nasa harapan ko.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Hindi ko napansin na pumapatak na pala ang mga luha ko.

Nag uunahan silang tumulo. Hindi ko ito mapigilan.

Noong una kong nakita si Devon aaminin ko na nagalit ako sa kanya dahil napakasama ng ugali niya bastos at antipatiko.

Pero nagbago ang lahat noong iniligtas niya ako mula sa babaeng papatay sana sa akin.

Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya at mali ang hinala ko tungkol sa kanya.

Nagulat nga ako ng bahagya ng marinig ang pagkalansing ng kadena sa may pintuan.

Natuon doon ang atensyon ko.

May taong bumubukas nito. Agad na napatingin nga ako roon at nang tuluyan ng mabuksan ito niluwa nito ang isang pamilyar na lalaki.

Si Devon...

Agad na inalis ko ang atensyon sa kanya at muling binalik ang tingin sa pader na nasa aking harapan.

Maya maya nga ay humarang ito sa pader na binubuhusan ko ng aking paningin.

Unti unting umupo ito sa harapan ko.

Tiningnan ko lang siya diretso sa mga mata nito.

Ilang segundo nga ang katahimikang namayani sa paligid.

"Isabella!" pagbasag niya ng katahimikan

Iniyuko ko na ang ulo ko dahil ayokong marinig ang sasabihin niya.

Agad na namayani ang galit sa puso ko ng marinig ko ang malambing niyang boses.

Bakit niya ginawa ito sa akin hindi ko maintindihan.

"Isabella, please forgive me! kailangan ko tong gawin. Para rin naman sayo itong ginagawa ko." panghihikahat nito sa akin gamit ang kalmadong boses

Napataas ang mukha ko ng marinig ang sinabi nito at tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya.

"Nagugutom ka ba? Heto, kumain ka!" alok niya sa akin

"Ayoko ko!" galit na sagot ko

"Isabella, pagkatiwalaan mo naman ako kahit ngayong araw lang." seryoso na sabi nito

Napatayo ako dahil sa mga sinabi niya. Ngayon ay may lakas na ang mga tuhod ko kaya nagawa ko ng tumayo.

"Why? Pagkatapos ng mga nangyari na ito pagkakatiwalaan pa ba kita?
bakit kinulong mo ako dito?" galit na galit at sunod sunod kong tanong sa kanya

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon