Chapter 19~ Ang Karugtong

1.9K 50 2
                                    


~Isabella POV~

Nagising ako at sa laking pagtataka ko, wala na ako sa kulungan na pinagkulungan sa akin ni Devon

tatayo sana ako kaso ang sakit ng ulo ko.

NAHIHILO ako.

Kaya naman napagdisesyonan kong huwag ng tumayo at manaliti nalang sa pagkakahiga.

Naalala ko hinimatay pala ako dahil ang sama ng pakiramdam ko ilang araw na din pala akong hindi gaanong kumakain.
Wala na kasi akong tiwala kay Devon. Natatakot ako na baka lasunin niya ako o anong gawin niya sa akin.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Ganoon na nga ang gulat ko ng mapansing pamilyar ito sa akin. Isang beses na nga ako nakarating dito.

Agad na bumakas ang lungkot sa mukha ko ng maalala ang mga kaibigan ko.

kamusta na kaya sila?

Kamusta na kaya sina Gabriel at Jade?

Kamusta na kaya si Liziel at Antonie?

Nahanap na ba nila si Liziel?

Nakatulala ako habang iniisip ko kung ano ng nangyari sa kanila.

Sana nasa mabuti silang kalagayan.
Hindi ko alam ang gagawin pag nawala sila.
Wala na nga si Cassandra pati ba naman sila kukunin pa?

Nahinto ang atensyon ko sa pag-iisip sa kanila ng biglang bumukas ang pinto agad na sinulyapan ko ito ng tingin.

Bigla nalang itong bumukas kahit wala namang tao.

"Devon?" tawag ko kay Devon
Paniniguro ko na baka si Devon lang ang bumukas ng pinto.

Pero walang sumagot..

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano o sino ang bumukas ng pinto..

Isang babae pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin kaya naman tatayo na sana ako para puntahan siya ng biglang.

Dumating si Devon.

Kaya naman natuon ang atensyon ko kay Devon at pagtingin ko sa direksyon kung saan ko nakita ang babae wala na ito doon.

Napahawak ako ng ulo ko nang bigla na naman itong sumakit.

Parang mabibiyak!!

"Aray!!! mangiyak ngiyak na sigaw ko habang hawak hawak ko ang ulo ko.

Agad naman na tumakbo papalapit sa akin si Devon.

"Isabella are you ok?" bungad niyang tanong sa akin

Hindi ko siya sinagot dahil sobra ang sakit na nararamdaman ko.

May nakikita akong mga larawan na hindi ko alam kong bakit nakikita ko ito.

Si Devon habang hawak hawak ang isang duguang babae at laking gulat ko dahil  kamukhang kamukha ko ito.

Nagbago ang lokasyon...

Si Devon habang hawak hawak ang mga kamay ko at may malapad na ngiti sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Gustong gusto ko itong nakikita

Nagbago na naman ang lokasyon...

Si Devon na umiiyak sa harapan ko.

Muling nagbago ang lokasyon...

Si Devon na yakap yakap ako.

Napadilat ang mga nakapikit kong mata.

At nakita ko si Devon na umiiyak.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon