Chapter 34~ Bangungot

1.3K 17 3
                                    

~Isabella POV~

Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway nitong paaralan.

"Isabella!" masayang tawag sa akin ng isang boses

Isang malawak na ngiti ang namutawi sa aking mga labi.

"Devon?" tawag ko rito

Masaya itong lumalapit sa akin.

"Isabella! I miss you so much!" nakangiting sabi nito

Hindi ko mapigilang hindi siya gantihan ng isang matamis na ngiti.

"Devon? Hindi ka na ba galit sa akin?" malungkot na tanong ko sa kanya

"Hindi, hindi ako kailan man magagalit sayo!" mahinahong sagot nito habang hinahaplos ang aking buhok

Hindi ko maintindihan bakit ang bilis naman niya akong napatawad.

"Nangako ako sayo hindi ba? Makikinig ako sa mga paliwanag at sasabihin mo." maamo ang mukhang pagpapaliwanag nito

Ang sarap tignan ng mukha niya.

Napakaamo!

"Let's go Isabella!" pag-yayaya nito sa akin mabilis nitong hinawakan ang kanang kamay ko

"Saan tayo pupunta?" mahinang tanong ko sa kanya

"May sorpresa ako sayo." masayang sabi nito

Sumama naman ako sa kanya.

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa huminto kami sa isang malaking gusali na may kalayuan sa building ng paaralan.

"Devon, nasaan tayo?" nagtatakang tanong ko

Hindi ito sumagot.

Tinignan ko siya. Nahuli ko nga ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kakaiba kasi ang ngiti na nakita ko mula sa kanya. Ngiti ito ng paghihiganti.

"Devon?" natatakot na tawag ko sa pangalan niya

Humarap ito sa akin at ngumisi.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito diretso sa aking sikmura.

Dahilan upang mawalan ako ng balanse at mapahiga.

"Devon?" takot na takot na tawag ko sa pangalan nito

Hindi ito nagsalita lumapit ito sa akin. Ng tuluyan na nga itong nakalapit ay hinawakan nito ang buhok ko at hinila.

Kinakaladkad niya ako habang hila hila ang aking buhok.

Hinawakan ko ang buhok ko dahil sobrang sakit ang ginagawa nitong paghila sa buhok ko.

"Devon, nasasaktan ako!" saway ko sa kanya

Pero parang bingi ito at patuloy paring hinihila ang buhok ko.

Nasa ganon nga kaming sitwasyon ng marating namin ang isang lumang kwarto.

Binitawan niya ang paghila sa buhok ko ng marating namin ang gitnang bahagi ng kwarto.

"Devon? Bakit?" naiiyak kong tanong sa kanya

Nakatalikod ito sa akin.

Hindi niya ako sinagot. May kinuha ito sa kanyang bulsa.

Pakite ng sigarilyo.

Kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo at saka nito sinindihan gamit ang lighter.

Hinigop niya ito at saka binuga ang usok sa hangin.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon