Chapter 39~ Bagong mukha

1.3K 41 0
                                    

~Someone POV~

Nagulat ako sa nakita ko.

Si Lunna iyon. Paanong nakabalik ulit siya rito? Hindi ko alam kung kailan ito nakabalik ulit.

Ilang taon din kasi akong hindi bumisita rito. Nagtago nga ako sa aking lungga doon sa likod nitong paaralan.

Nagpunta ako rito upang makausap si Devon. Hindi ko nga sinasadyang mabunggo ko ito.

Ang kasama niyang lalaki, Pamilyar din ito sa akin sa tingin ko ito ang lalaki na lalabas sana sa may lagusan pero pinigilan ko dahil alam ko na mapapahamak ito.

Nakatuon pa rin sa kanila ang atensyon ko lalo na kay Lunna.

Hindi na nga Lunna ang tawag nila dito. Base sa narinig ko Isabelle na ang tawag nila dito.

Hindi ako makapaniwalang buhay pa siya! Paano siya nakalabas ng buhay at nakabalik dito?

Ako ang tumulong kay Devon na alalayan ito noong hindi na ito humihinga dahil sa natamo nitong mga sugat.

Pero bakit tumakbo siya palayo?

Hindi niya ba naaalala si Devon?

Nawala ang atensyon ko sa pag iisip sa mga bagay bagay tungkol kay Lunna ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Exikiel bakit nandito ka?" tanong nito sa akin

Hindi pa rin ito nagbabago.

Mula noong nawala si Lunna napabayaan na nito ang sarili.

Magulo ang buhok nito at bahagyang nakabukas ang polo. Ngunit kahit ganon ay hindi nawawala ang matipunong katawan at napakagwapong mukha nito.

Sinagot ko naman ang tanong niya.

"Gusto kitang makausap." nakangiting sagot ko rito

Agad naman siyang nagpalingalinga na para bang may hinahanap

"May hinahanap ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wala!" nakabusangot ang mukhang sagot nito

Mabilis na umalis ito.

"Devon? Saan ka pupunta?" tanong ko rito pero hindi na ito lumingon pa at tuloy tuloy na naglakad papalayo habang nakapamulsa.

"Umalis na kayo!" galit na sigaw ng isang babae

Si Red ito galit na galit na pinapaalis ang mga estudyanteng nasa loob ng court.

Pumasok nga ako sa loob ng court nakita ko roon si Red na galit na galit.

"Anong kailangan mo?" nakasimangot na tanong nito sa akin

Gamit nito ang microphone kaya rinig na rinig ang tanong nito.

Hindi ko ito sinagot isang malawak na ngiti nga lang ang pinakita ko rito.

"Kung wala kang sasabihin, umalis ka sa harapan ko!" maawtoridad na utos nito

Nginitian ko ulit ito at saka lumabas na baka kasi kung ano pa ang gawin nito sa akin kung sakaling magalit ko ito ng husto.

Ng makalabas na nga ako ay nagpalingalinga ako baka sakaling mahanap ko si Devon ngunit ni anino nito ay hindi ko na nakita.

Maglalakad na nga sana ako sa kaninang dinaanan ni Devon ng may biglang magsalita.

Nilingon ko naman ito.

"Pamilyar ka sa akin, Nagkita na ba tayo noon?" mahinahong tanong nito

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon