Chapter 21~ Paghaharap

1.8K 44 0
                                    

~Isabella POV~

Hindi ko na hinintay na magising pa si Devon.

Dirediretso akong pumunta sa kinaroroonan ng hayop na kapatid nito.

Walang iba kung hindi si Red

siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Dinamay pa niya ang kapatid ko.

Ngayon alam ko na.

Natatandaan ko na ang lahat!

Galit na galit akong naglakad papunta sa opisina kung saan ito naroroon.

Hindi na ako kumatok at dirediretso ko ng pinihit ang door knob at dirediretsong binuksan ng maigi ang pinto.

Hindi nga ako nagkamali dahil nandoon nga ang pakay ko.

Nakaupo siya habang nakatingin sa malaking bintana ng kanyang opisina nakatalikod ito sa akin.

Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako.

"Hindi mo na ako pinahirapan at ikaw talaga mismo ang lumapit sa akin."
sabi nito habang pumapalakpak pa.

Nakakagigil...

Nakakainis...

Nakakagalit...

Halo halo ang emosyong nararamdaman ko para sa kanya.

"Oo ako mismo ang pumunta!"
gigil na sabi ko

Unti unti naman siyang humarap na may ngiti sa labi.

Lalo akong nainis sa pinapakita niya.

Napaka walang hiya talaga niya halang ang bituka!.

Kaya naman ngumiti din ako sa kanya demonyong ngiti ang sinukli ko sa kanya.

"Akala mo ba kaya mo ako?"
nakangiti niyang sabi sa akin

"you're nothing!" mahinang saad na pang iinsulto nito.

"Ako, akala mo ba kaya mo akong patayin?"
saad ko sabay ngiti ng nakakapang insulto

Dahilan para unti unti siyang lumapit sa akin.

Nakatayo padin ako sa kinatatayuan ko.

"Sa tingin mo pag nalaman ni Devon kung sino ka! hindi ka niya kasusuklaman?"
nakangiting bulong nito sa akin

sabay balik sa upuan nito.

Napaistatwa nalang ako sa sinabi niya.

"You don't know me Lunna, but i already know you."
nang iinsultong sabi niya.

Kaya naman tiningnan ko ulit siya ng diretso.

"All your secret!"
nakangiti pa niyang sabi

"Sa tingin mo hindi ako tatanggapin ni Devon pag nalaman niya ang lahat?"
nang iinsulto kong sagot sa kanya

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon