~Unang Misyon~
~Isabella POV~
Napatingin ako sa relo na nasa kamay ko.
Alas sais na ng gabi
Ito na ang oras at tiyak na nagsisimula na ang laro.
Hinanda ko na ang mga armas na dadalhin ko tulad ng patalim at martilyo ito lang kasi ang nakita ko na pwedeng gamitin.
Nawala ang atensyon ko sa hawak na martilyo ng magsalita silang lahat.
"Isabelle mag-iingat ka."
Sabay sabay na paalala nilang lahat sa akin"Kayo rin mag-ingat kayo tandaan niyong kahit anong mangyari ay mahal na mahal ko kayo."
sagot ko sa kanila"Mag-ingat ka Isabelle."
paalala ni AntonieIsang tungo lang ang ginawa ko upang sagutin ang sinabi niya.
Ilang minuto nga ang lumipas at sabay sabay na kaming lumabas ng dorm.
Madilim at tahimik ang paligid ilang sandali nga ay nagkahiwahiwalay kaming lahat.
Nilalakbay ko ngayon ang hall way ng dorm ng Demon Academy masyadong tahimik walang katao tao. Hindi ko alam kong ito ba talaga ang way ng larong ito o pinaglululuko lang talaga kami ni Red.
Dahil hindi nga kami nagkasundo sa pag uusap namin ni Devon wala siya, ako lang mag isa ang kikilos at ipapakita ko sa kanya na mali siya.
Ok lang kung wala akong makuhang susi ang mahalaga hindi makikita ng mga kaibigan ko kung paano ako mamamatay.
Naglalakad ako pababa ng hagdan para pumunta sa court sa lawak ng Demon Academy hindi ko alam kung saan banda ba ako mamamatay dito.
Sa kakalakad ko napansin ko na lamang na nandito na pala ako sa building kung saan nakatirik ang mga rooms.
Kinakabahan ako sa mangyayari
Lakad.....
Lakad......
Lakad......
Lakad pa.....
Ng.............
May narinig ako sa kabilang room kaya naman agad akong nagtago sa isang sulok na naroon.
"Tulongggggggggggg!!!!!!!! Tulongan ninyo ako please."
walang tigil na tili ng isang babae.Nakasilip nga ako ngayon sa kanila
Naaaninag ko sila...
"Wag mong gawin sakin to Brenda ginawa ko naman ang lahat naging mabuting kaibigan ako sayo. Parang awa mo na please!"
paki-usap ng babae na nakatali sa isang silya."Hindi kita kailanman naging kaibigan wala akong tinuturing na kaibigan dito sa impyernong lugar na ito, gagawin ko ang lahat maligtas ko lang ang sarili ko. Kaya kong traidurin ang tinuturing akong kaibigan. Hindi ko kailangan ng kaibigan Lea, Ang kailangan ko makalabas sa impyernong lugar na ito!" gigil na tugon ng babae na nakatayo sa harapan ng babaeng nakatali
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...