Chapter 12~ Rehas

2.1K 64 1
                                    


~Isabella POV~

"Nasaan ako?" bungad kong tanong sa aking sarili ng magkamalay na ako.

Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Ang pisikal na itsura kasi ng lugar ay madilim at marumi mukhang abandunado ito.

Inilibot ko ang aking paningin. Ganoon nalang ang gulat ko ng makitang halos bakal ang nakapalibot sa akin.

Ano ito?

Nakakulong ako sa isang hawla na gawa sa matibay na bakal.

Agad na naghistirikal ako.

Ngayon nga ay nakaupo na ako hindi ko kayang tumayo dahil sa nanlalambot parin ang mga tuhod ko.

"Pakawalan niyo ako parang awa niyo na kailangan ako ng mga kaibigan ko!" pagmamakaawang sigaw ko

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang taong lumabas mula sa isang sulok ng kwartong kinalalagyan ko.

"Devon?" nagtataka kong tanong

"Oo ako nga!" sagot nito sa akin

Marahan akong lumapit upang mahawakan ang rehas ng kulungan.

"So, ikaw pala? ikaw pala ang may kagagawan ng lahat?" saad ko na ikinagulat naman niya

"Pinagkatiwalaan kita Devon, akala ko iba ka sa lahat lalong lalo na sa kapatid mo. Pero wala pala kayong pagkakaiba!" galit na galit kong sigaw sa kanya.

Ang akala ko ay iba si Devon sa kapatid niya pero wala pala silang pagkakaiba.

PAREHAS SILANG DEMONYO

Galit na galit ko siyang tinignan.

Hindi naman ito umimik pa simula ng marinig ang mga sinabi ko.

"Magsalita ka!" hamon ko sa kanya

Ngunit walang salita ang lumabas sa mga bibig nito.

Agad na nalungkot ito ng marinig ang mga sinabi ko.

"Nagkamali akong pagkatiwalaan ka! Tama si Antonie. Nagsisisi akong hindi ako naniwala sa kanya." nakasimangot na pagpapatuloy ko

"Isabella." malungkot na tawag nito sa pangalan ko

"Anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo din ba ako?" nangingiyak na tanong ko

Lumapit ito sa akin at agad na umupo sa harapan ko. Ngayon ay pantay na ang aming mga mukha.

"Hindi ko gagawin ang sinasabi mo." pagkukumbinsi nito sa akin

Hindi ako nagsalita. Inaantay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Please, trust me!" pagmamakaawa nito

"Hindi mo na ako mapapaniwala pa Devon." bakas ang galit sa boses ko

Hinawakan nito ang dalawang kamay ko na nakahawak sa bakal na pinagkulungan sa akin.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon