Chapter 8~ Kasiyahan

2.8K 74 1
                                    


~Isabella POV~

Nagawa nga nila ang pagpatay sa mga walang kalaban laban na mga estudyante.

Kasama na doon si Cassandra.

Pinapangako ko sa sarili ko na magbabayad sila sa ginawa nila kay Cassandra hihingi sila ng tawad sa mga nagawa nila at hinding hindi ko sila papatawarin.

Nandito ako sa dorm lahat kami ay nalulungkot sa nangyari.

Maraming alaala na iniwan si Cassandra
kung may mas nasasaktan dito, ako yun. Napakahirap kalimutan ang isang tulad niya.

KAIBIGAN....

KAPATID ....

yun ang turing ko sa kanya.

Isang kaibigan na naging mabuti lalo na sa akin nandiyan sa tuwing kailangan ko ng kaibigan at payo sa mga problema ko sa buhay, kapatid na naaasahan ko sa lahat ng bagay.

Hindi niya deserve lahat ng nangyari sa kanya.

Hinding hindi kita malilimutan Cassandra at hindi ako papayag na hindi kita maipaghihiganti.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~5 MONTHS LATER~

~Antonie POV~

July 17, 1998

Maaga palang ay bumangon na ako para maghanda na pumasok dahil sa maaga pa, hindi muna ako pumunta sa classroom namin naglakad lakad nga muna ako hanggang sa...

Napadaan ako kung saan nakalagay ang bulletin board at napansin ko na napakadaming estudyante, sumilip ako para tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

JULY 17 FOUNDATION DAY OF DEMON ACADEMY

ayan agad ang nabasa ko
foundation day pala ngayon.

walang pasok!

bakit hindi nila sinabi sa akin?

Sayang effort kong maligo at mag ayos.

Muling ibinalik ko ang atensyon sa nakasulat sa bulletin board.

Sa ilalim nakasulat ang mga estudyanteng imbetado at lahat kami ay nandoon.

Inimbitahan kami ni Ms Red sa darating na ball na gaganapin.

Hindi pwedeng hindi sumali sa ball at hindi mag saya dahil nag iwan siya ng note na kapag hindi ka sumali sa mga activities maglalaho kang parang bula.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~Isabella POV~

Naglalakad ako ngayon sa may kahabaan ng corridor ng Demon Academy, hindi ko kasama ang mga kaibigan ko dahil may mga ginagawa din sila.

Nakakalungkot mang aminin pero kailangan ko talagang sumama sa walang kabuluhang foundation day na gaganapin.

Kahit ayaw ko talagang pumunta. Pinilit ko nalang ang sarili ko.

Hindi pwedeng magmukmok nalang ako habang buhay dahil ipaghihiganti ko pa ang kaibigan ko mula sa mga tao na pumatay sa kanya.

8:00 pm magsisimula hanggang 12:00 pm ang program.

hindi pa nga nagsisimula pero ang ingay ingay na.

tugtog dito tugtog doon.

nakakairita!!!!

Ngayon, parang ayaw ko ng makinig ng music.

napahinto ako ng may makita ako.

Si.....

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon