Chapter 50~ Kapatid

1.3K 39 0
                                    

~Isabella POV~

Patay na si Gabriel!

Naalis ang atensyon ko sa wala ng buhay na si Gabriel. Biglang lumangitngit ang kama at bahagya itong gumalaw. Tumayo kasi ang taong nakahiga roon.

Lumabas ito ng kwarto dahil bumukas ang pinto.

Hindi ko nga nakita ang mukha niya. Ang tangi ko lang nakita ay ang sapatos na suot nito.

Kulay itim ito at puro putik.

Nakasuot ito ng pantalon.

Tiyak ako na si Jade ito.

Pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng biglang bumukas muli ang pinto ng kwarto.

Hay hatak hatak itong kung ano.

Ganon na lang ang takot ko ng tuluyan ng makita ang hatak hatak nitong mabigat na bagay.

Katawan ito ng isang babae wala na iyong buhay.

Hinila niya ito!

Bigla ko ngang natakpan ang bibig ko ng bitawan nito sa mismong harapan ko ang babaeng wala ng buhay.

Nakahiga ito at nakaharap sa akin.

Nagkatama ang mga mata namin dahil nakaluwa na ang mata ng babae.

Dahan dahan nga akong umurong papasok ng kama. Hindi ko na nga ininda ang nabubulok na katawan ni Gabriel na nasasagi ko.

Pinipigilan ko ang nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong sumigaw!

Gusto kong humagolhol!

Gusto kong magmura!

Gusto kong tumakbo!

Pero hindi pwede!

Mas matindi pa pala ang ginagawa niya kaysa sa inaakala ko.

Lumuhod ito sa harapan ng babae at masayang kinausap ang walang buhay na babae.

"Malandi ka! akala mo siguro ay magugustuhan ka ni Devon?"
natatawa nitong tanong sa babaeng wala ng buhay

Ganon na nga lang ang pagkagulat ko ng marinig muli ang boses nito.

Tama nga ako ng hinala!

Si Jade nga ito ang kapatid ko at tinuring kong isang malapit ding kaibigan pero bakit nagkaganito na siya?

Anong nangyayari sa kanya?

Tuluyan na nga nilang ginawang halimaw si Jade.

"Hindi mo ba alam na ako lang ang mahal niya? At ako lang ang dapat na mahalin niya!" nag iba na ang boses nito

Mabilis nitong hinawakan ang mukha ng babae paharap sa kanya.

Bakas sa boses nito ang matinding galit na nararamdaman.

"Bakit parang ako lang ang nagsasabing mahal niya ako?
Bakit hanggang ngayon si Isabella pa rin ang babaeng mahal niya? Bakit ang hayop na babae pang yun? Bakit hindi ako?" ngayon ay malungkot ngunit bakas pa rin ang galit sa boses nito

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon