~Someone POV~
Nakatingin lang ako sa dalawa habang patuloy silang lumalaban sa mga kampon ni Red.
Hindi ko alam ang gagawin?
Natatakot ako!
Hindi ko alam kong buhay pa si Isabella?
Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi siya pwedeng mapahamak!
Kailangang magtagumpay sina Devon at Antonie!Sana walang mangyaring masama sa kanila!
Agad na lumangitngit ang pinto senyales na may papasok sa kwartong kinaroroonan ko. Agad na napatingin ako sa kung sino ang iniluwa ng pinto.
Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ko ng makita ko siya pero mabilis itong nagbago.
"Hindi ka ba masaya na mawawala na ang mga taong hadlang sa mga plano natin?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin
Agad na napatingin ako sa bintana kung saan matatanaw ang nangyayari kina Antonie at Devon.
Napatungo nalang ako dahil wala talaga akong magawa sa sitwasyon namin ngayon.
Bakit niya nagagawa ito sa sarili niyang kapatid? Kahit masama ang ugali ni Devon may natatago rin naman itong kabutihan kahit papaano.
"Alam mo hindi ko naman talaga planong patayin si Devon pero masyado ng matigas ang ulo niya! Hindi ko na siya makontrol! Kahit na hindi kami magkadugo ni Devon tinuring ko naman siyang kapatid! Kahit na ang mga magulang niya ang nagpasakit at nagpahirap sa akin!"
galit na sabi niya habang nakadungaw na rin sa bintang dinudungawan koWalang sagot na lumabas sa bibig ko.
Agad na umupo siya sa gilid ko at isang ngiti ang iginanti sa malungkot kong mukha.
"Minsan kailangan din nating maging makasarili." sabi niya habang hawak ang aking mga kamay
Niyakap ko siya. Alam ko na mabuting tao si Red. Nagkakaganyan siya dahil kinokontrol siya ng galit niya at paghihiganti.
Mahal na mahal ko siya at sa tingin ko hindi ko kayang gawin ang namumuong plano sa isipan ko kahit na naging napakasarili niya.
Naiintindihan ko siya alam ko ang pakiramdam ng pinagkaitan pero kailangan bang humantong sa ganito?
Hindi ko napansing pumatak na pala ang mga luha ko.
Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Red? Itutuloy mo ba talaga ang pagpatay sa kanila?" mahinahong tanong ko sa kanya
Hinawakan ko ang kamay niya pero mabilis niya yung binawi at dumungaw ulit sa bintana kung saan matatanaw sina Antonie at Devon.
"Huwag mong sabihing naaawa ka sa kanila?" mahina pero may galit na tanong nito sa akin
"Paano natin makukuha ang hustisyang para sa atin kung magiging mahina ka! Paano?" inis na tanong nito habang tinuturo pa ang dibdib ko
Nginitian ko siya. Upang mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa hinawi ko ang nagkalat na buhok nito sa kanyang mukha at sinabit ito sa likuran ng kaniyang tenga.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...