Chapter 4~ Anunsyo

3.7K 130 2
                                    


~Isabella POV~

Kinabukasan agad kaming pumunta sa kinaroroonan ng nasabing bulletin board para hanapin ang mga pangalan namin.
Hindi namin agad nahanap ang mga pangalan namin dahil maraming mga estudyanteng nagkukumpulan upang hanapin din ang kani- kanilang mga pangalan.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng bawat estusyante mababakas doon ang galit at takot. Galit dahil narin siguro sa hindi nila gusto ang pinapagawa sa amin ni Ms. Red at takot din para sa kani kanilang mga buhay.

Naaawa ako sa sarili ko sa mga kaklase ko lalo na sa mga kaibigan ko paano nalang kung mapahamak kami?

Ilang oras ang lumipas...

Humupa narin ang mga mag-aaral kinakabahan ako sa makikita ko hindi ko kilala ang mga estudyante dito at higit sa lahat hindi ko pa nakikilala ang magiging kapartner ko.

Tumayo si Gabriel at Antonie agad na dumiretso sila sa bulletin board at hinahanap nila ang kanilang pangalan.

Tumayo narin ako kahit na kinakabahan sumunod narin ang iba at agad na hinanap nadin ang kanilang pangalan.

Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang pangalan ng magiging kapartner ko.

12. Isabella Segovia and Devon De Guzman

yan ang numero at pangalan na nabasa ko.

Sa dinamirami ng mga estudyante dito bakit siya pa?

Nakita ko na si Jade at Gabriel ang magkapartner.

Si Lizel at Antonie,

Cassandra at Jemuel

Hindi ko kilala si Jemuel.

Hindi rin namin ito naging kaklase kaya wala akong nakilalang Jemuel ang pangalan.

Binasa ko ang nakasulat sa taas:

Important Details:
Magandang araw Demon students,
Nais ko lang sabihin sa inyo na kapag nakita at nakilala niyo na ang inyong mga kapartner ay pag-isipan na ninyo at planuhin ang dapat ninyong gagawin. Kung wala sa inyo ang papel kung saan nakasulat ang inyong misyon at gagawin tiyak na nasa partner ninyo ito napakarami ninyong mag aaral ng Demon Academy 1,000 na mag-aaral lang ang makakaligtas mula sa 5,000 na mag aaral dahil 1,000 lang ang gusto kong matira. Mahirap magpakain sa mga walang silbing tulad ninyo kaya dapat na kayong bawasan.
Traiduran ito gusto kong makita kong paano ninyo tratraidurin ang mga kaibigan niyo makaligtas lang kayo. Sa larong ito dapat kayong maging mautak dapat ninyong traidurin ang ibang grupo para makaligtas.

gaganapin ito bukas ng Gabi.

Ms, Red

Kinakabahan ako...

Bakit ba kailangang humantong pa kami sa sitwasyon na ito?

Ang hirap....

Hindi rin kami makahingi ng tulong dahil kinuha nila ang mga cellphone namin lahat ng gadgets namin nasa kanila. Hadlang daw kasi ito sa pag-aaral namin.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon