Chapter 41~ Manman

1.4K 39 0
                                    

~Exikiel POV~

Hindi ko nga nakita si Devon noong araw na nakausap ko si Lunna. Mabilis ko nga itong sinundan sa dinaanan nito ngunit wala na talaga ito roon.

Nandito ako ngayon sa tapat ng dorm nito nagbabakasakaling makita ko siya at makausap man lang.

Hindi nga nagtagal ay bumukas ang pinto ng dorm nito.

Lalapitan ko sana ito ngunit agad na umigting ang kaba ko dahil sa nakakatakot na awra nito.

Magulo ang buhok nito, bukas ang butones ng polo nito dahilan upang makita ang puting sando nito.

Hindi na nga ako lumapit pa sa kanya at nagtago na lang. Mamanmanan ko na lamang ang bawat kilos nito.

Kapag lumamig na ang ulo nito ay saka nalang ako kukuha ng tsempo para makausap siya.

Naglakad ito. Sinundan ko nalang siya.

Ilang minuto itong naglakad hanggang sa huminto sa tapat ng isang dorm.

Nagtago ito sa isang punong katapat ng pintuan ng isang dorm.

Nang tignan ko nga ang katapat na dorm ay biglang nanlaki ang mga mata ko.

Si Lunna nakaupo ito roon.

Napakaganda nito.

Hindi ko maintindihan si Devon kung bakit ito nagtatago roon. Bakit hindi nito lapitan si Lunna?

Biglang bumukas ang pinto ng dorm at agad na lumabas doon ang isang lalaki.

Pamilyar ito sa akin, ito yung lalaking nagalit sa akin noong nabunggo ko si Lunna.

Kahit na malayo ako ay klaro sa akin ang mga nakikita ko.

Si Lunna talaga ito kasama ang lalaking umalalay sa kanya noong isang araw.

Mabilis na tinignan ko si Devon. Galit na galit ito habang nakatingin parin sa dalawa.

Kitang kita ko na nag uusap ang dalawa.

Hanggang sa tumayo na si Lunna.

Naglakad ito papalayo.

Mabilis din namang sinundan sila ni Devon pero nananatili itong nagtatago sa dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko ng yakapin ng lalaki si Lunna habang nakatalikod si Lunna.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Devon. Sinuntok nga nito ang pinagtataguang puno.

Hindi ko alam kong maiinis ako o matatawa kay Devon?

Kung mahal niya si Lunna bakit hindi niya ito agawin sa lalaking yun?

Kumawala rin naman si Lunna sa pagkakayakap ng lalaki at humarap ito at muling niyakap ang lalaki.

Hindi ko alam ang nangyayari kung tama ba ang mga interpretasyon ko.

Pero isa lang ang sigurado. Galit na galit na si Devon dahil sa mga nakikita niya.

Nang tignan ko nga ulit ay sinampal ni Lunna ang lalaki. Mukhang nag aaway silang dalawa.

Nagsisigawan na din sila. Hindi klaro ang mga sinasabi ng mga ito.

Tiyak akong hindi rin naririnig ni Devon ang mga pinag uusapan nila.

Muling nasuntok ni Devon ang puno na pinagtataguan niya dahilan para matumba ang bakal na nakasandal doon.

Napansin agad yun nina Lunna at ng lalaking kasama niya.

Mabilis na umalis si Devon sa pinagtataguan nito.

Hindi naman napansin ng dalawa si Devon.

Nang makaalis na si Devon lumapit si Lunna sa lalaki. May sinabi ito roon dahilan para umalis na silang dalawa.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon