Chapter 10~ Traidor

2.4K 62 3
                                    

~Liziel POV~

Hindi ako pwedeng magkamali siya talaga yun.

Ang sakit ng katawan ko lalo na ang batok ko ramdam ko parin ang sakit dahil sa paghampas sa akin ng matigas na bagay.

Nag flash back sakin ang mga nangyari kagabi habang hinahanap namin si Isabelle.

May humampas ng matigas na bagay sa ulo ko.

Hindi ko na nga alam ang sumunod na pangyayari.

Bumalik nalang ang ulirat ko ng maramdamang kinakaladkad na ako.

May humihila sa dalawang kamay ko at kinakaladkad nila ako.

At dahil nga sa pagpalag ko nawala ang isang pares ng  sapatos ko.

Sana nahanap na nila si Isabella at sana hinahanap na nila ako, ayaw ko pang mamatay sa impyernong lugar na ito.

Habang naglalaro sa aking isipan ang mga salitang iyon ay nagulat nalang ako ng narinig na naman namin ang boses ng nagsalita kagabi.

Hayop siya! ang akala ko ay tunay namin siyang kaibigan.

"Gising na ba ang lahat?" seryosong tanong nito

"Ihanda na ninyo ang inyong sarili sapagkat sa araw na ito magsisimula na ang inyong pagsubok! malagpasan niyo kaya ito?" sabi niya sa amin

Napalingon ako sa isa pang lamesa.

Nakita ko ang magkatapat na dalawang babae. Kahapon nga ay wala ang mga ito doon ngunit ngayon ay nandoon na ang mga ito at nagulat nga ako sa sitwasyon nilang dalawa.

Ang isa kasi ay tinahi ang mga mata at ang isa naman ay tinahi ang bibig.

Ang tali na ginamit sa pagtahi ng kanilang bibig at mata ay alambre.

May isang kutsilyo sa gilid ng lamesa na maaari nilang gagamitin.

"Nakikita niyo ba ang lamesa na nasa kaliwa? Silang dalawa ang napili kong mauna. Kapag hindi mamamatay ang isa sa kanila bago matapos ang isang minuto ay mamatay silang dalawa pero kapag namatay ang isa sa kanila ay maliligtas ang isa." saad nito

"Bakit mo ginagawa sa amin ito?"
tanong ng babaeng may tahi ang mga mata

Halatang kilala nito ang nagsasalita.

Umiiyak ito. Umiiyak nga silang dalawa.

"Shhhhhh! tahimik!" sigaw na saway nito

Nakita ko ang pulang ilaw na nasa isang sulok. CCTV iyon hindi ako pwedeng magkamali. Kaya alam nito ang nangyayari dito sa loob ng kwartong aming kinalalagyan. Naririnig nga namin siya sa pamamagitan ng speaker na nasa itaas na sulok ng kwarto.

"Sandali lamang bago magsimula ang masayang larong ito ay ipapakilala ko muna sila. Sila nga pala ang dati kong mga kaibigan, ay! hindi ko pala sila kaibigan, dahil walang kwenta ang mga tulad nila." natatawang sabi nito

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon