~Isabella POV~Dahil sa sinabi ni Devon na magkita kami ng 7:00 am kailangan ko nang matulog pero ng makita ko ang oras sa wrist watch ko nalaman kong 2:00 am na pala at di parin ako dinadalaw ng antok.
Malalagot ako kay Devon kung sakaling mahuli ako sa oras na pinag usapan namin kanina.
Hindi ko siya kilala kaya kahit papano ay kinakabahan ako sa magagawa niya at naiilang rin ako sa kanya dahil sa nangyari noong nakaraang pagkikita namin.
Kaya ginawa ko ang lahat para makatulog.
Nagbilang, kumanta ng mahina at kung ano ano pa hanggang hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako naalimpungatan ako at sa tingin ko tulog pa silang lahat.
Hindi ako sanay matulog ng bukas ang ilaw kaya naman laging patay ito kapag natutulog ako. Pinindot ko ang botton ng wrist watch ko para malaman kung anong oras na
Napatayo ako
dahil......
6:30 am na
Naku po 30 minutes nalang at....
Nagmamadali kong binuksan ang ilaw at nagtatakbong pumunta ng CR.
Nagmamadaling naligo ako kahit na malamig ang tubig nagsipilyo at nagbihis.
Nag ayos muna ako ng mukha bago umalis.
Tahimik ang paligid at ang lamig ng simoy ng hangin.
6:50 am na....
Kaya naman nagmamadali akong pumunta ng cafeteria pero wala pa siya.
Tiningnan ko ang relo ko pero,
7:00 na ng umaga wala parin siya
Inaantok pa ako hindi manlang ako nag almusal makapunta lang dito at hindi mahuli tapos wala pa pala ang bwesit na lalaking yun kainis.
May nakita akong upuan sa labas ng cafeteria kaya naupo ako doon.
Dahil may sandalan naman at malapit din ito sa dingding kaya isinandal ko muna ang ulo ko roon.Marahan kong ipinikit ang mga mata ko.
Ilang sandali pa ay hindi ko na alam ang nangyayari sa aking paligid at sumalubong na sa akin ang dilim.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~Devon POV~
Nalate ako ng gising bago ako pumunta sa cafeteria naligo muna ako nag almusal at nagsipilyo.
ng matapos nga ako ay naghanda na ako upang pumunta ng cafeteria.
Ilang minuto ang ginugol ko bago ako tuluyang makapunta ng cafeteria
ng.....
Makita ko siyang nakaupo sa isang upuan at
NATUTULOG?
Medyo nakatakip pa ang buhok nito sa kanyang mukha.
Kaya naman lumapit ako sa kanya.
Pinagmasdan ko lang siya ng ilang minuto mahimbing ang tulog niya.
Naalala ko tuloy ang mga nagawa ko sa kanya noong mga nakaraang araw.Lumapit ako sa kanya at hinawi ko ang ilang mga buhok na nakatakip sa kanyang mukha.
Nangiti ako dahil sa wakas ay bumalik na siya pero hindi niya ako maalala ang akala ko ay natatandaan parin niya ako pero nagkamali ako.
Mabuti na ito, mabuti ng hindi niya ako nakikilala pero natatakot ako sa mga mangyayari naduduwag ako.
NAPAKAHINA KO!.
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...