~Ikalawang Rebelasyon~
~Isabella POV~
Kinabukasan maaga akong pumasok at maingat na ipinatong ang pugot na ulo ng nanay ni Devon sa lamesa ng tatay nito.
Natatawang lumabas ako sa Principal office matapos magawa ang plano ko roon.
Ang sarap sa pakiramdam na nakakamit na namin unti unti ang pangarap namin at yun ay ang gumanti.
Seryoso akong naglakad palabas hanggang sa narating ko na ang corridor.
Walang katao tao sa mga oras na ito.
Dirediretso akong pumunta ng dorm namin ni kuya.
At saka pumasok sa kwarto ko at natulog ulit.
Ilang oras din pala akong nakatulog.
Agad na nagbihis ako ng uniform at lumabas ng dorm.
Nakangiti kong tiningnan ang direksyon ng Principal office.
Hindi nga ako nagkamali napakaraming estudyanteng nakikiisyuso doon.
Maging teachers ay nakikibalita rin
Madami ding mga pulis.
Nakangiti din akong lumapit at naki isyuso kahit alam ko naman kung ano ang nangyari.
"What happened?" seryoso kong tanong sa isang babaeng katabi ko
Nagdrama ako na hindi ko alam ang nangyayari.
"Ah eh yung mommy ni Devon nakita ang pugot na ulo sa lamesa ng Principal office."
takot na takot na sagot sa akin ng isang babae na napagtanungan ko."What?" sigaw ko dito
Pasimple akong ngumiti na hindi naman nahalata ng babaeng kausap ko.
"May nakakita daw habang pinapatay yung mommy ni Devon."
dagdag na sagot pa nito"What? Nasaan yung nakakita?"
nag aalalang tanong ko"Patay na!" sagot nito na kinatanggal ng pag aalala ko akala ko mahuhuli na kami
"Bakit namatay?" tanong ko ulit dito
"Habang iniinterview siya ng mga pulis may pumana sa kanya at saktong tumama ang pana sa dibdib nito na kinamatay niya."
kinakabahang sagot ulit niya"Nahuli ba ang pumana?"
nag aalalang tanong ko ulit sa kanya"Hindi nawala agad ito. Pero ang sabi ng witness eh, Isa daw sa mga estudyante dito ang pumatay sa mommy ni Devon." pagpapatuloy nito
Hindi ko na ito pinansin dahil narinig kong tinawag ako ni Devon at umiiyak ito.
"Lunna!" umiiyak na tawag nito sa akin
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Mystery / ThrillerPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...