Chapter 37~ Pagmamahal

1.5K 39 1
                                    

~Gabriel POV~

Biglang dumilim, na puno ng usok ang buong paligid.

Nakakahilo!

Bigla na lang natumba ang lalaking katabi ko napahawak ako sa ulo ko at napasandal ako sa dingding.

Sumadsad ang likod ko hanggang sa mapaupo na ako. Hindi ko mapigilan ang hindi ko ipikit ang mga mata ko.

Ilang sandali lang at na puno ng dilim ang buong paligid at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~Isabella POV~

Hindi ko akalaing kayang gawin sa akin ni Devon ang mga ginawa nito kahapon.

Kailangan na niyang malaman ang lahat.

Nakatulala ako habang iniisip kung paano ko siya makakausap. Mahal na mahal ko si Devon at kapag hindi nito malalaman ang lahat patuloy niya akong kapopootan.

Nawala ang atensyon ko sa iniisip ng biglang may magsalita.

"Isabelle gamutin na natin ang sugat mo." nag aalalang sabi ni Antonie sa akin. Agad na kinuha niya ang bulak at alcohol.

Maingat niyang binasa ang bulak ng hawak niyang alcohol. At dahan dahan na idinampi niya ito sa sugat ko.

Napangiwi naman ako sa sobrang hapdi.

Mabilis niyang nilinis ang sugat sa leeg ko matapos niyang makitang nasasaktan ako.

Pagkatapos niyang linisan agad na nilagyan niya ito ng band aid.

"Antonie?" tawag ko sa pangalan niya na agad na kinahinto ng ginagawa niya

"Hmmm?" paraan ng tanong niya kung bakit ko siya tinawag

Pinag-isipan ko ang mga sasabihin ko.

Pero, mas mabuting huwag ko na siyang idamay pa sa mga problema ko kaya naman napag-isipan ko na huwag ko nalang itanong at ituloy ang mga nababalak kong sabihin sa kanya.

"Salamat!" yun nalang ang salitang nabigkas ko

Nginitian niya lang ako. Bakas sa mukha nito ang sobrang pagmamahal niya sa akin.

Kung pwede lang na turuan ang puso at sabihing si Antonie nalang ang mahalin ko gagawin ko upang hindi na ako masaktan ng ganito. Ngunit hindi ko magawa.

Hindi ko magawa dahil si Devon talaga ang mahal ko at siya ang sinisigaw ng puso ko.

Ginantihan ko si Antonie ng isang pilit na ngiti upang hindi nito mapansin ang aking iniisip.

Agad na nawala ang ngiti na iyon ng bigla niya akong tinanong ng ganito.

"Isabella sino ka ba talaga?"

Agad na binuhusan ko siya ng tingin na lalong kinaseryoso ng mukha niya.

Hindi ko siya sinagot

"Alam mo ba kung na saan si Jade?"
seryoso kong tanong para maiba ang usapan

Na agad naman niyang sinagot

"Nagkita kami pero ibang iba na siya ngayon, hindi na siya ang nakilala kong Jade." seryoso niyang sagot

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon