~Devon POV~
Nandito ako sa kwarto kung nasaan si Isabella. Ginamot ko nga ang sugat niya. Nilinis ko ang dugong nagmarka sa pagitan ng sugat niya at saka tinakpan ito ng bulak at binalok ko ang tiyan nito ng benda.
Pawis na pawis ito habang wala paring malay. Kumuha ako ng malinis na panyo at dahan dahang pinunasan ang namumuong mga pawis sa noo nito.
Hindi ko alam kung bakit iniligtas ko pa rin siya sa kabila ng mga kasalanang ginawa niya sa akin. Sa Pamilya ko.
Matapos nun ay kinusot ko ang panyong kaninang ginamit ko upang linisin ang sugat nito.
Ang malinis na tubig nga ay naging pula dahil sa dugong natanggal sa panyo.
Matapos nun ay binuhat ko ang planggana at lumabas ng kwarto upang puntahan ang lababo.
Nagulat na lamang ako ng bigla bumukas ang pinto at pumasok si Red.
Hindi ko siya napansin. Tuloy tuloy ako na nagpunta sa lababo upang itapon ang laman na tubig nun doon.
Nang matapos ko ngang gawin ang gagawin ko agad na tinignan ko ulit ang direksyon kung saan ito nakatayo mabilis itong lumapit sa akin at buong pwersa nito akong sinampal.
Tumabingi ang mukha ko dahil sa sampal na ginawa niya.
Inangat ko ang mukha ko at hindi na nagtanong kung para saan ang sampal na ginawa niya dahil alam ko na ang rason ng pagsampal niya sa akin.
"Paalisin mo ang babaeng yan! Kung ayaw mo na ako mismo ang pumatay sa hayop na yan! Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Pwede ba! Devon, Huwag kang magpakatanga sa babaeng yan! " inis na inis nitong sigaw sa akin
Hindi na ako naka imik pa agad na nagtungo siya sa kwarto kung nasaan si Isabella. Mabilis ko naman siyang sinundan.
"Ate pwede ba? Pagalingin mo muna siya!" nagmamakaawang paki usap ko habang hawak hawak ko ang braso niya para hindi siya tuluyang makapasok sa kwarto kung nasaan si Isabella
Galit na hinawi niya ang braso niya dahilan para mabitawan ko yun.
"Hindi mo siya dapat niligtas! Hindi mo siya dapat niligtas!" pag uulit niyang sabi
"Ate, Mahal ko siya! Mahal ko si Isabella!" inis na pagpapaliwanag ko sa kanya
"Siya ang dahilan kung bakit wala na tayong mga magulang!" galit na galit na panunumbat nito sa akin
"Kung mawawala siya! Mamamatay din ako!" nakayukong sagot ko sa kanya
"Nahihibang ka na talaga Devon! Bakit hindi nalang ang kapatid niya ang pagtuunan mo ng pansin! Mahal na mahal ka rin naman nun!" sigaw na sagot niya sa akin
"Hindi ko siya mahal!" nakayukong sagot ko ulit sa kanya
"Kung siya ang pipiliin mo! Mas mabuting ituring mo na akong kaaway mo Devon!" galit na sigaw nito sa akin
Padabog siyang umalis sa harapan ko.
Pero bago pa man siya lumabas ay nagsalita ulit ito.
"Kapag bumalik ako ulit dito dapat wala na dito yan kung hindi magkalimutan na talaga tayo!" galit na galit na singhal nito sa akin
Hindi na lang ako ulit nagsalita at napalingon ako kung na saan ako kanina nakatingin. Sa kwarto kung na saan si Isabella pero nanlaki ang mga mata ko ng...
Makita ko siyang nakatayo sa harapan ko habang iika ikang naglalakad palabas.
Patakbo akong lumapit ng bahagya sa kanya.
"Bakit nandito ka? Bakit tumayo ka? Hindi ka pa magaling!" nag aalalang saway ko sa kanya
"Ako ang dahilan kung bakit kayo nag aaway ng ate mo! Mas mabuting umalis na ako rito." sabi nito habang nakayuko
Iika ika siyang naglakad palapit sa akin pero nilagpasan lang niya ako.
Mabilis kong hinarang ang daraanan niya.
"Isabella! Huwag ng matigas ang ulo mo! Bumalik ka na sa kwarto. Ngayon na!" mahina ngunit galit ang tonong saway ko sa kanya
"Huwag kang umakto na para bang alalang ala ka sa akin! Huwag kang umakto na para bang may paki alam ka sa akin!" sumbat nito habang tinuturo ang dibdib ko
"Isabella! Stop it! Tumigil ka!" saway ko sa kanya
"Huwag mo na akong pakialaman pa! Bakit mo pa ako niligtas? Bakit hindi mo nalang ako hinayaang mamatay?" umiiyak na sumbat nito sa akin
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya.
"Dahil araw araw mo namang pinaparamdam sa akin kung paano ang mamatay! Palagi mong ipinaparamdam sa akin na kinapopootan mo ako! Anong plano mo? Niligtas mo ba ako para ikaw mismo ang pumatay sa akin sa araw araw na sakit na ipinaramdam mo sa akin?" galit na sigaw niya sa akin
Hindi ulit ako nakasagot sa sinabi nito. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Mas mabuting maghiwalay na tayo ng landas! Devon! Kalimutan mo ako at kakalimutan na rin kita!" mahina ngunit galit na sabi nito
Muli itong kumilos at nagsimulang maglakad. Iika ika nga itong naglakad. Wala akong nagawa kung hindi pagmasdan lang siya habang patuloy na lumalapit sa pinto.
Ang dami niyang pasa sa mukha at katawan.
Naawa ako sa kalagayan niya!
Ang sama sama ko!
Nakalabas na ito ng pinto. Hindi pa siya nakakalayo ay agad siyang natumba.
Patakbo ko siyang nilapitan.
"Isabella!" tawag ko dito pero parang hindi niya ako narinig agad na binuhat ko siya
"Bitawan mo ako!" nagpapapalag na utos nito sa akin
Hindi pa nga kami tuluyang nakapasok pabalik sa dorm ko ay may biglang humarang sa akin dahilan para mapahinto ako.
"Ibigay mo siya sa akin!" sabi niya na may halong pambabanta
Tiningnan ko siya ng masama.
"Umalis ka sa harapan ko!"
walang emosyong sagot ko"Ibigay mo na siya sa akin Devon!"
wala ding emosyong sagot nito habang nakaharang pa rin sa pintuan ng dorm ko"Alam kong hindi mo siya mapapangalagaan Devon! Ibigay mo na sa akin si Isabella kung gusto mo siyang manatiling buhay!" inis na pahabol niya
Wala na akong nagawa kung hindi ang ibigay si Isabella sa kanya. Tama siya hindi ko kayang pangalagaan si Isabella.
Tiyak na babalikan kami ni Red at kapag nangyari yun ay baka mapahamak pa si Isabella. Mas mabuting nasa puder na ito ni Antonie.
Wala akong kwenta!
Agad namang binuhat at inagaw ito ni Antonie sa akin nang tuluyan na niyang nakuha si Isabella ay nagmamadali na itong umalis.
Wala na akong nagawa kung hindi ang titigan na lamang sila palayo sa kinatatayuan ko.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Vote and Comment
Thank you so much!
BINABASA MO ANG
Demon Academy
Gizem / GerilimPaaralan na hindi alam ng nakararami maraming lihim na nagkukubli! Magtatago ka ba o lalaban ka? Oras na pumasok ka wala nang dahilan para Lumabas pa. Si Isabella ang babaeng mahal ng lahat mamahalin mo pa kaya siya pag nalaman mo kung sino talaga s...