Chapter 48~ Kasinungalingan

1.4K 34 0
                                    

~Isabella POV~

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto.

Agad na napatayo ako dahilan para makaramdam ako ng matinding sakit.

Agad na nahawakan ko ang sugat ko.

"Aray!" nasaktang reklamo ko

Iika ika akong tumayo habang nililibot ng paningin ko ang buong silid.

Nandito pala ako ngayon sa kwarto ko.

Naalala ko ulit ang mga nangyari kanina.

Bakit iniligtas pa ako ni Devon?

Bakit pinapakita niya sa aking nag aalala pa rin siya sa akin? Matapos kong makita siyang hindi pumalag sa halik ng babaeng yun!

Bakit hindi niya ako tinulungan noong mga panahong kailangan ko siya!

Bakit hinayaan niya akong saksakin at muntikan ng mapatay ng babaeng nakalaban ko?

Kung hindi ako tinulungan ni Antonie, Patay na siguro ako ngayon.

Tama si Antonie. Hanggang kailan ko mamahalin ang katulad ni Devon na walang paki alam sa akin?

Iika ika akong lumabas ng kwarto ko.

Bumungad agad sa akin ang nakangiting mukha ni Antonie ngunit mabilis na nagbago ang emosyong nakapaskil sa mukha niya.

"Bakit tumayo ka na baka kung mapaano ka hindi ka pa gaanong magaling!" nag aalalang saway niya sa akin

Nginitian ko na lamang siya at iika ika ko siyang nilapitan.

Mahigpit ko siyang niyakap.

Dahilan upang bahagya siyang magulat. Kahit hindi ko nga ito nakikita ay ramdam ko ang pag ngiti nito.

"Salamat!" bulong na sabi ko sa kanya

Ilang sigundo pa at bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Tama ka Antonie! Hindi ko dapat minahal si Devon! Hindi ko dapat sinayang ang mga panahon ko sa kanya na dapat ay itinuon ko na sayo!" seryosong saad ko sa kanya

Bumakas naman ang ngiti sa mukha nito dahil sa narinig.

"Anong sinabi mo? Isabelle?" nakangiting tanong niya sa akin

"Simula ngayon ay pag-aaralan ko ng mahalin ka!" seryosong sagot ko sa kanya

Kitang kita sa mukha nito ang labis na tuwa.

Niyakap niya ako.

"Salamat. Salamat Isabelle!" masayang saad nito

Agad na kumawala ako sa pagkakayakap niya sa akin.

Tinignan ko siya ng mabuti.

"Antonie noong panahong nasa piligro ang buhay ko? Hindi ba talaga ako tinulungan ni Devon?" seryosong tanong ko sa kanya

Umiling iling naman ito bilang sagot na hindi ako tinulungan ni Devon.

Nasaktan ako sa mga inamin niya sa akin.

Bakit ganon si Devon? Bakit kung umakto siya para bang napakahalaga ko sa kanya.

"Antonie? Sana sagutin mo ako ng totoo? Hindi ba talaga ako tinulungan ni Devon?" seryosong tanong ko ulit sa kanya

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon