Chapter 27~ Album

1.5K 35 0
                                    

~ Isabella POV~

Naglalakad kami ni Devon pabalik sa dorm nito ng bigla kaming harangin ni Red kasama ang mga lalaking puro mga naka itim at naka suot ng mask.

"Saan kayo pupunta?" seryoso niyang tanong sa amin

Pero tiningnan lang namin siya ni Devon walang sumagot sa aming dalawa.

Mariin na humigpit ang pagkakahawak ni Devon sa kamay ko.

"Lets go Isabella!"
Seryosong utos ni Devon sa akin agad na humarang ang mga lalaking nakaitim sa daraanan namin.

Pero hinila parin ako ni Devon habang nakapamulsa ito.

Nang makalapit na kami sa mga lalaking naka harang bigla niyang kwenelyuhan ang isa sa mga ito.

"Padaanin niyo kami! Kung hindi lahat kayo mamamatay!" gigil na utos nito sa mga lalaking nakaharang sa aming daraanan

Nakangiti lang kaming tinitingnan ni Red mula sa likuran ng mga lalaking humarang sa amin.

"Sige padaanin niyo na." utos nito sabay ngiti ng nakakaluko

Tuloy tuloy na naglakad kami ni Devon hawak parin nito ang kamay ko pagkatapos na umalis sa daraanan namin ang mga lalaking nakaharang.

"Hindi mo pa siya kilala sa ngayon Devon, pero kapag nalaman mo kung sino siya ikaw mismo ang papatay sa kanya." natatawang sigaw ni Red mula sa likuran namin.

Napahinto ako sa sinabi niya

Pero agad naman na hinatak ni Devon ang kamay ko na nagpabalik sa akin sa wisyo.

"Huwag mo siyang intindihin."
nakangiti niyang utos sa akin

Unti unti kaming nakalayo mula kina Red.

Pero ang mga katagang binitawan nito ay parang sirang plakang paulit ulit na naririnig ko.

"Are you ok?" tanong sakin ni Devon

Tumungo nalang ako bilang tugon sa tanong niya.

"Huwag mo siyang intindihin pilit na gagawa sila ng paraan para mawala ka ulit sa akin at hindi ko na yun kakayanin." nakatungong sabi niya

Dirediretso na kaming naglakad

Habang naglalakad kami may nahagip akong pamilyar na mukha parang siya yun.

Siya talaga yun hindi ako pwedeng magkamali.

Napahinto ako

Ng mapansing tumakbo siya sa likod ng isang puno para magtago.

Sa wakas nakita ko na siya nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap.

"Isabella are you ok?" tanong ni Devon
Pero hindi ko siya pinansin dali dali akong naglakad papalapit sa puno na pinagtaguan niya.

Ng..

Wala na siya

Hindi ako pwedeng magkamali buhay siya.

Nawala na lamang ang atensyon ko sa hinahanap ko ng mapansin kong niyuyogyog na ako ni Devon.

Kaya naman itinaas ko ang kaliwa kong kamay at sinabing

"Im ok."
kaya naman tinigil niya na ang ginagawa niyang pagyugyog sa akin.

"Sino ba ang hinahanap mo riyan?"
seryoso niyang tanong

"Ah wala naman."
wala sa sarili kong sagot sa kanya

"Lets go." sabi niya sabay hawak ng napaka higpit sa kamay ko.

Nakarating na kami sa dorm ni Devon.

"What the fuck!!!" galit na sigaw niya

Napanganga nalang ako sa nakita ko dahil lahat ng gamit ay nagkalat kalat at may nakasulat sa salamin gamit ang pulang bagay at sa tingin ko ito ay dugo.

KILL HER!!!!

Yan ang nakasulat sa salamin.

"Damn it!" galit na sabi niya at mabilis na naglakad sabay suntok sa salamin na kinabasag nito.

Nagulat ako kaya naman agad ko siyang niyakap.

"Tama na please!"
tensyunadong sigaw ko

Sa sobrang kaba ko nga ay hindi ko namalayang nag uunahan na palang pumatak ang mga luha ko.

tumigil naman siya ng sabihin ko ang mga katagang yun.

Agad siyang kumawala sa pagkakayakap niya sa akin at agad na pinunasan ang mga luha ko.

"Lagi nalang bang ganito? Nakakapagod! Damn it!" naiinis na sigaw niya

Pagkatapos niyang sabihin yun. Mabilis niya akong niyakap.

"Tahan na." pagpapatahan niya sa akin

Tumahan naman ako at saka kumawala sa yakap niya.

Agad kong kinuha ang mga kamay niya.

Dumudugo ang kaliwa niyang kamao.

Kumuha ako ng alcohol at bulak at agad na pinaupo ko siya at ginamot ang sugat niya.

Binasa ko ang bulak ng alcohol at sabay pahid nito sa mga sugat niya na ikinangiwi niya.

Natawa naman ako sa ekspresyon nito.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong niya sa akin

Natatawa ko siyang tinignan at dahil sa tanong niya ay lalo pa akong natawa sa kanya.

"Yung mukha mo kasi nakakatawa."
natatawa kong sabi

Nakasimangot niya akong tinignan

Hinila niya ang kamay niya na ginagamot ko.

"Ah ganon! Linisin mo lahat yan!"
walang emosyon niyang sabi

Sabay tayo at naglakad papalayo sa akin.

"Ano?" inis na tanong ko sa kanya

Pero hindi niya ako pinansin at dirediretso na pumasok sa kwarto niya.

"Ano bang problema niya?" inis na bulong ko

Sabay tingin sa buong paligid halos lahat magulo.

Padabog akong tumayo. Wala naman akong magagawa kaya naman nilinis ko ang lahat ng nakakalat.

Habang tinatayo ko ang lahat ng gamit na tumumba.

May nakita akong isang maliit na album.

Binuklat ko ito at..









Vote and Comment
Thank you so much!

Please click the star on the left side below.

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon